Ito ang hiling ng Save Palawan Movement (SPM) sa inilabas nitong statement kahapon, Pebrero 22, 2021.
“The Save Palawan Movement (SPM) strongly urges the COMELEC to suspend the plebiscite on March 13 due to the rise of COVID-19 cases in Puerto Princesa City, prompting the border closure by municipalities across the province including Brooke’s Point, Aborlan, Narra, and Linapacan.”
Naniniwala umano ang kampo ng SPM na ang paghihigpit sa galaw ng mga tao ay paraan umano ng mga sumusulong sa pagtatatag ng 3 probinsya sa lalawigan upang maapektuhan ang pangangampanya ng kanilang kampo sa mga munisipyo.
“SPM also worries that the lockdowns are instrumentally used to prevent SPM campaigners from continuing its efforts in reaching more Palaweños with its information-education campaigns. While birthdays, weddings, and other celebrations are still conditionally allowed, community meetings and church activities are ultimately prohibited; making it challenging for our forefront campaigners, the church leaders, to organize Palaweño voters.
”Kaya’t nananawagan sila sa Commission on Elections (COMELEC) na suspendehin muli ang plebisito na gaganapin sa Marso 13, 2021.
“We call on the COMELEC to suspend the plebiscite where there is restraint in campaign activities or while there is risk of the voters from the virus.”
Base sa Republic Act No. 11259, gaganapin dapat ang plebisito para sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya noong Mayo 11, 2020. Ngunit noong Marso 25, 2020 ay inanunsyo ng COMELEC na ipagpapaliban muna ito dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at isinailalim ang buong Luzon, kabilang ang Palawan, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Noong Disyembre 2020 naman ay inaprubahan ng COMELEC na isagawa ang plebesito sa Marso 13, 2021.
Ayon kay Provincial Information Officer (PIO) Winston Arzaga, hindi naman kasali ang Puerto Princesa sa botohan para sa plebisito kaya’t hindi ito dahilan para ipagpaliban ang botohan.
“Dito sa atin plebisito [ng] Palawan. Kami ang affected eh, kami ang magboboto eh hindi naman ang Puerto Princesa. 4 lang ang COVID case [sa lalawigan ng Palawan]. ‘Yan ba ang rason na para i-postpone natin ang plebesito?”
“Tumataas ‘yung [kaso ng COVID-19 sa] Puerto Princesa [pero] hindi naman boboto ‘yung Puerto Princesa sa plebisito. So, anong problema? ‘Wag nilang problemahin ‘yung ‘di nila problema. [Ang] Palawan napakababa ng [kaso ng COVID-19], apat lang. ‘Yun ba ‘yung dahilan para wala nang plebisito? Hindi naman siguro.”
Ihinalintulad din nito ang nangyaring halalan sa Estados Unidos at Malaysia kung saan ay may mataas na kumpirmadong kaso at mga namatay dulot ng COVID-19.
“Tingnan niyo na lang yung doon sa America [na] halos milyon ang kaso ng COVID. Ilan yung namatay diyan? Halos kalahating milyon. Nag-postpone ba sila ng election? Sa Malaysia madami din diyan [at] nag-election diyan.
”Sa isinagawang Online press conference ng COMELEC noong Pebrero 11, sinabi ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na hindi umano maaapektuhan ang gaganaping plebisito kung tumaas ang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.
“Tuloy na tuloy po ito. Sa ngayon, base sa reports ng ating mga field directors and field supervisors including the election officers natin sa baba, walo (8) lang po ang kaso ng COVID-19 sa buong Palawan. So, I don’t think na dadami po ‘yun. Or kung dadami man eh mandato na po ito ng COMELEC na ico-conduct natin ‘yung plebisito. So tuloy na tuloy na po ito kahit dadami pa ng bahagya ay meron naman po tayong health and safety protocols na susundin.
”Samantala, sa tala ng Provincial Information Office ng lalawigan, ang kabuuang kaso na naitala sa buong probinsya ng Palawan ay 408, 3 rito ay aktibong kaso, 4 ang patay habang 401 naman ang recovered.
Discussion about this post