ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Column

Ang Duwag Aatras

Joshua Buenaventura by Joshua Buenaventura
March 11, 2021
in Column, Opinion
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Kahanga-hangang Bunga : #DevoShare 01.13.21
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Sa panahon ng cancel culture, hate at kung ano-anong bashing left and right, aatras ba tayo na mga tinawag na maging ilaw at asin ng mundo? Sa takot na mapansin, yung pansin na pandiriinan ang iyong mga kahinaan at kakulangan, itatago ba natin sa dilim ang ating ningning – ang ningning ng pag-asa na minsan sa dilim mayroong umabot sa atin at inilabas tayo sa kweba ng ating mga pagkakalugmok at pagkakamali para tuluyang palayain? Oo nakakatakot na tuligsain at pahiyain sa harap ng mga mapanuring tingin ng mundo lalo na sa mga panahon na ito na mabilis kumalat ang usap-usapan sa paligid parang apoy na ayaw mamatay at patuloy na tumutupok ng ating pagkatao.

“But before all this occurs, there will be a time of great persecution. You will be dragged into synagogues and prisons, and you will stand trial before kings and governors because you are my followers. But this will be your opportunity to tell them about me. So don’t worry in advance about how to answer the charges against you, for I will give you the right words and such wisdom that none of your opponents will be able to reply or refute you!” (— ‭‭Luke‬ ‭21:12-15‬ ‭NLT‬‬)

RelatedPosts

Due process for the damned

Bravisimo, director

The dead don’t speak, but the living are not allowed to

Noong narito pa sa lupa si Jesukrristo kanyang sinabi sa kanyang mga disipulo na humayo at ipamalita ang mabuting balita – ang ebanghelyo na naparito na sa mundo ang daan, katotohanan at buhay sa katauhan niya ang ating Diyos at tagapagligtas. Sinabihan din niya sila na hindi magiging madali ang sumunod sa kaniya. Una, Wala silang dapat daladalahin. “Isinugo sila ni Jesus upang mangaral tungkol sa paghahari ng Diyos at upang magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan niya, “Huwag kayong magbabaon ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, bag, tinapay, salapi, o bihisan man. Makituloy kayo sa sinumang tumanggap sa inyo, at manatili kayo sa bahay nito hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.” (Lucas‬ ‭9:2-4‬ ‭MBB05‬‬) Pangalawa, maari silang walang matulungan at matirhan at mapagpwestuhan man lang ng kanilang napapagod na mga katawan.
“Habang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Pero sinagot siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.”” (Lucas‬ ‭9:57-58‬ ‭ASND‬‬) Pangaltlo, mapapasubo sila sa nga taong pahihirapan sila at ang iba maghahangad na patayin sila. “Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, o sandalyas. Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan.” (Lucas‬ ‭10:3-4‬ ‭RTPV05‬‬)

Makikita natin ang tindi at halaga ng balitang ating dala sa mga oposisyon na ating masalubong sa pagsunod at paghayo natin. May kakulangan, walang kasiguraduhan ng mapagpapahingahan, at tiyak na paghihirap sa kamay ng mga ayaw maliwanagan. Ngunit hindi tayo hahayong magisa. Isusugo ng Diyos Ama ang kanyang banal na espiritu para tayo ay samahan at ang ating kahinaan ay katagpuin at palakasin. Oo haharap tayo sa pagsubok, paghihirap, parang walang katiyakan ng ating kahihinatnan ngunit ito’y nananatiling parang lamang. Dahil hindi tayo mag-iisa kailanman. Ang pangako ng Dios ay hindi niya tayo iiwan o pababayaan man lang (Hb 13:5). Ang banal na espiritu ang kasangga natin at Siyang magiging tagapagtanggol at tagapagpalakas natin (Jn 14:16). Ang pangako pa ni Jesus mismo na haharap tayo sa mga persecutions and tribulations dito sa mundo pero Itong lahat ng ito ay napagtagumpyan na niya. (Jn 16:33) Kung siya ay mabubuhay at hahayaan nating mabuhay sa ating lupa at marupok na katawan tulad ng turo ni Pablo sa Galacia 2:20, siya na ang mabubuhay sa atin at andoon ang katiyakan na malalampasan natin ang anomang hirap na maaari nating salubungin. Kung kasama natin ang Diyos at siya ang buhay sa ating katawan ano ang hindi natin kayang lampasan? Anong pagsubok ang hindi yuyuko at sasamba sa kapangyarihan ng Dios na magniningning sa puso, isip, gawa at katawan natin. Bilin nga niya ““…mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin maliban dito.” (‭‭Lucas‬ ‭12:4‬ ‭MBB05‬‬)

Si Jesukristo ang DAAN, KATOTOHANAN at BUHAY (Jn 14:6). Siya ang daan para mapuntahan natin ang kapayapaan at malakaran din ng iba pang nangangailangan ang handog ng Diyos na kapahingahan sa kanila. Siya ang ating katotohanan – katotohanan na ating pwedeng panghawakan sa mundong gulong-gulo at nalilito. May kasalatan man tayo dito sa daigdig ngunit sa Langit ang ating pangwalanghanggan ang tiyak na tiyak at walang katapusan. Maiksi ang buhay sa lupa para tayo ay mabagabag ng matitirhan, makakainan, mapagpaphingahan o matutuluyan. Walang hanggang kapayapaan ang nakataya para sa mga taong Kulang-Kulang na sa mundong kasalukuyan na pati ba naman sa pangwalang hanggan ay nanganganib parin na mapagiwanan.

Nawa’y hugutin natin ang lakas at kapangyarihan na binibigay ni Jesu-Cristo sa mga taong susunod sa tibok ng kanyang puso – puso na gustong ipagkaloob sa mga taong handang sumunod ang lawak, laki at lalim ng kanyang mga salita na nagbubunga sa taos pusong pagsunod at pananampalataya. Nawa’y makita natin ang mundo na nangangailngan at kahit na tayo ay kanilang kaladkarin at pahirapan ito ang mabisang paraan para maipamalita at maipakita natin ang kabuohan ng mabuting balita na ibinilin sa atin. Hindi tayo magiisa at hindi tayo nagiisa dahil si Jesukristo na mismo ang nangako na makakasama natin siya hanggan sa katapusan ng panahon (Mt 28:20). At kung tayo ay sa paghihirap at pagaalinlangan bisitahin ng panghihina ating tandaan at panghawakan na May pangako ang ating Panginoon at Tagapagligtas na “Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.” Lucas‬ ‭21:14-15‬ ‭MBB05‬‬. Aatras pa ba tayo sa pangakong ito? Maduduwag pa ba tayo na ipagsigawan ang ebanghelyo na kailangan ng mundo?! Dalangin ko Panginoon na katagpuin mo ako at ang takot ko. Nawa’y mabuwag ang anumang duda na ako ay nag-iisa at magiisa sa oras ng pagsubok, paghihirap at “parang” paguusig na siyang daan para ang mga nagdududa ay mapaliwanagan din. Ama palakasin mo ang aking PANININDIGAN na tumayo at magnining sa mundo na nadidiliman ng samu’t saring alalahanin, kakulangan at panandaliang kapahingahan. Bigyan n’yo ako ng sigasig at lakas na harapin ang hamon ng buhay at sa ganung paraan makita ng mga nahihirapan na may pag-asa sa inyong mga salita.

Tags: Ang Duwag AatrasJoshua Buenaventura
Share28Tweet18
ADVERTISEMENT
Previous Post

3 aso na namatay sa San Vicente, Palawan, nilason – Street Dog Sanctuary

Next Post

Win a Brand-New Car at SM 3-Day Sale

Joshua Buenaventura

Joshua Buenaventura

Related Posts

Strip the money and see who still files candidacy
Column

Due process for the damned

April 15, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Bravisimo, director

April 10, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

The dead don’t speak, but the living are not allowed to

April 7, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Squatters in the boy’s club

March 13, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Under construction, under construction

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

The butcher’s bill

February 28, 2026
Next Post
Win a Brand-New Car at SM 3-Day Sale

Win a Brand-New Car at SM 3-Day Sale

Puerto Princesa Incident Management Team, hindi nababahala sa pagbubukas sa domestic tourism ng lungsod

Puerto Princesa Incident Management Team, hindi nababahala sa pagbubukas sa domestic tourism ng lungsod

Discussion about this post

Latest News

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

April 28, 2026
City, PMHA establish mental health and wellness clinic

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

April 24, 2026
New PWRCC head assumes post

New PWRCC head assumes post

April 24, 2026
City trains more staff in basic life support

City trains more staff in basic life support

April 23, 2026
Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

April 23, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15256 shares
    Share 6102 Tweet 3814
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11710 shares
    Share 4684 Tweet 2928
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10087 shares
    Share 4035 Tweet 2522
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9746 shares
    Share 3898 Tweet 2436
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing