ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Column

Ano ang SUOT mo? #Devoshare110420

Joshua Buenaventura by Joshua Buenaventura
December 12, 2020
in Column
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Ambag
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nasubukan mo na bang lumabas ng bahay na ang linis linis ng pakiramdam pero pag-uwi mo para kang nalukuban ng samut-saring dumi at feeling mo nangigitata ka  at nanlilimahid? Sa buhay at sa ating araw araw na pakikibaka, pakikisalamuha at pagkikipagugnayan sa iba’t-ibang mga pagkakataon, pangyayari at tao hindi maiiwasan na tayo ay maapektuhan at manatiling hindi nababahiran ng kung ano anong bakas ng ating mga pinagdaanan.

 

RelatedPosts

What to do when sore eyes strike

When Money is No Longer the Problem

Health is Wealth?

“Since God chose you to be the holy people he loves, you must clothe yourselves with tenderhearted mercy, kindness, humility, gentleness, and patience.” (Colossians 3:12 NLT)

 

Impossible man na tayo ay hindi mapektuhan, madumihan at madungisan mahabagin pa rin ang Diyos na tayo ay tulungan.  Ang bunga ng espiritu, sa pamamagitan ng pinangako at sinugong banal na espiritu, ang ating magiging tagapagtanggol. Siya ang magpapalakas sa atin para harapin ang iba’t-ibang pagsubok na sasalubong sa atin…

 

Ang tender heart, kindness, humility, gentleness at patience o pagiging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis ay lima sa siyam na bahagi ng kabuuan ng bunga ng espiritu na makikita sa Galacia 5:22-23. Ito ay mga katangian na makikita sa isang mananampalataya at hindi na karaniwan sa mundo at lipunan natin ngayon. Mas madaling unahin ang sarili kaysa ang nararamdaman ng iba. Sa Colosas 3:13 tayo ay pinaalalahanan ni Pablo na magpasensiya sa isa’t-isa lalo na kung tayo ay nakaramdam ng sakit at may inaalagaang hinanakit. Kung tayo ay pinatawad ng PANGINOON sa ating mga pagkakasala, sino ba naman tayo para hindi magpatawad sa mga nagkasala sa atin?!?

 

Noong narito sa lupa si Jesu-Cristo pinaliwanag niya kay Pedro at sa kanyang mga disipulo kung paano tayo dapat magpatawad – “Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.” (Mateo 18:22 RTPV05). Sinundan pa ito ni JESUS ng isang parable tungkol sa isang unmerciful servant (Basahin Mateo 18:23-35) na pinatawad ng kanyang amo sa kanyang pagkakautang na kung susumahin ay mahigit-kumulang na 3.48 billion² hanggang 7.4 billion dollars.¹ Sa istorya pagkatapos mapatawad sa kanyang pagkakautang ang servant nakita niya ang kanyang kamanggawa na nagkakautang sa kanya ng mahigit-kumulang na 11,733.33 dollars¹ na .000158% lang ng halaga sa utang niya sa kanilang amo.  Ngunit noong ito ay hindi makapagbayad ito ay pinabilanggo hanggang sa ito ay makapagbayad. Nang nalaman ito ng Hari na nagpatawad ng kanyang pagkakautang nagalit ito – “Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’”(Mateo 18:32-33 RTPV05)

 

Sa NLT version ng ang ending ng malupit na servant ay pinakulong para i-TORTURE o pahirapan hanggang sa mabayaran niya ng BUO ang kanyang pagkakautang. Ang babala ni JESUS sa parable na Ito ay iyon din ang sasapitin ng sinoman na hindi magpatawad sa kanyang kapwa.

 

Sa araw araw na ating pakikibaka, salamuha at pakikipagugnayan nawa’y hindi natin malimutan na ibukod ang ating sarili. Kung kalakaran na ng mundo ang pagkamuhi at pagtanim ng sama ng loob, nawa’y bilang mga disipulo at taga pagsunod ng mga utos ng Diyos tayo ay lukuban at bihisan ng kapangyarihan ng banal na espiritu at ang bunga niya ang makita sa ating pagkikipagkapwa-tao. Kung paano tayo minahal nawa’y ganun din tayo magmahal sa mga taong tulad nating marupok, nadadarang at natutukso rin.

Tags: #Devoshare110420suot
Share58Tweet37
ADVERTISEMENT
Previous Post

Chistmas Party para sa mga estudyante, ipinagbabawal – City DepEd

Next Post

Stakeholders from Manila donated assorted Christmas gifts for KIG Personnel

Joshua Buenaventura

Joshua Buenaventura

Related Posts

What to do when sore eyes strike
Column

What to do when sore eyes strike

September 7, 2026
New Beginnings (Again)
Column

When Money is No Longer the Problem

September 1, 2026
New Beginnings (Again)
Column

Health is Wealth?

August 25, 2026
New Beginnings (Again)
Column

New Beginnings (Again)

August 18, 2026
Column

The Power of Intentionally Slowing Down

July 19, 2026
Column

Why Words Matter: The Psychology Behind the Phrase ‘Trans Women Are Women’

July 19, 2026
Next Post
Stakeholders from Manila donated assorted Christmas gifts for KIG Personnel

Stakeholders from Manila donated assorted Christmas gifts for KIG Personnel

Puerto Princesa, maghihigpit sa mga nakamotorsiklo simula sa Lunes

Puerto Princesa, maghihigpit sa mga nakamotorsiklo simula sa Lunes

Discussion about this post

Latest News

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

September 23, 2026
Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

September 23, 2026
Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

September 16, 2026
Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

Suntrust and the making of a new Puerto Princesa

September 16, 2026
MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

MV June Aster captain appears as only five of 76 victims identified

September 16, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15288 shares
    Share 6115 Tweet 3822
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11829 shares
    Share 4732 Tweet 2957
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10305 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10288 shares
    Share 4115 Tweet 2572
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9764 shares
    Share 3905 Tweet 2441
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing