Puerto Princesa City – Kinumpirma ni PDEA MIMAROPA Regional Director Mario Da Ramos na mayroong mga narco-politicians o politiko na umanoy nadadawit sa ilegal na droga sa lalawigan ng Palawan.
Aniya, anim na munisipyo sa Palawan ang sangkot dito. Ito ay ang Poblacion 1 sa Bayan ng Coron, Mangsee sa Balabac, Poblacion ng Bataraza, Buenasuwerte at Corong Corong El Nido, at Barangay Puntabaha sa Rizal, Palawan.
Ito ang nabanggit ni Regional Director Da Ramos sa ginanap na summit sa gusaling Kapitolyo ng Lalawigan ng Palawan nitong nakaraang Sabado.
Sinisikap ng Palawan Daily News na makuhanan ng panig ang mga alkalde ng mga nabanggit na bayan subalit wala pang puna o komentaryo ang mga ito.
Discussion about this post