Sinang-ayunan ng maraming mga magulang ang ipinahayag ni Senador Raffy Tulfo kasabay ng kanyang paninindigang nararapat na gamitin ang confidential funds ng Department of Education para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga mag-aaral. Ang confidential funds para sa DepEd ay P150 million at ang MOOE nito ay P135 million. Ang bagay na ito ay ginawa ni Senador Tulfo kasabay ng pag- apruba sa P710 billion budget ng Department of Education (DepEd).
Binigyang diin ni Tulfo na kailangan ang sapat na proteksyon ng mga mag-aaral mula sa mga child molester, kidnapper, nagbebenta ng droga, at iba pang mga masasamamg loob.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo… “we have to protect the welfare of the children. Kung sa Amerika, yung mga estudyante ang madalas nagiging biktima ng mass shooting, sa Pilipinas naman, may mga reports in the past na may mga pusher na nagbebenta ng droga sa paligid ng eskwelahan at iba pang criminal elements prowling the perimeters of the school. The confidential funds can be used to track down who these people are and pre-empt them from victimizing students.”
Nauna nang ibinunyag ng DepEd na laganap na ang mga ulat tungkol sa “sexual grooming cases, sexual abuse, and cases of drugs being sold in schools.”, bukod pa sa mga natatanggap na reklamo na natanggap ng Senador patungkol sa talamak na pambu-bully at pangha-harras mula sa mga hindi estudyante sa labas ng campus, kung kaya’t ninanais ng mambabatas na matugunan ang mga problemang ito, samantalang maaaring pangunahan ng DepEd ang pangangalap ng impormasyon o intelligence networking upang tumulong sa pag-aasikaso sa mga naturang isyu dahil “overwhelmed” na ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi ni Senador Tulfo, “PNP & PDEA are already overwhelmed as it is so it will be best kung magkakaroon ang DepEd ng sariling intelligence network to easily track down people taking advantage of the lack of security in schools, as opposed to aasa na lang sila sa PNP at PDEA.”
Maliban dito, binigyang diin din ng Senador na marapat lamang na matiyak ng Kagawaran ng Edukasyon na ang School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay nakalaan para sa dapat pagbigyan at talagang maibibigay sa mga guro at paaralan hanggang sa huling sentimo. Ito ay dulot na rin ng mga reklamong natanggap ng kanyang opisina mula sa ilang mga guro sa pampublikong paaralan na napilitang maglabas ng pera mula sa sarili nilang mga bulsa para makabili ng mga pangangailangan sa silid-aralan, tulad ng chalk, eraser, at electric fan. Dahil sa kakulangan ng pondo, pinipilit ng ilang mga guro ang mga estudyante na mag-ambag sa mga gastusin para sa janitorial services, utility bills, seguridad at iba pang campus maintenance. Ilang estudyante naman ang napilitang magdala ng “baon” para makabili ng pagkain sa canteen kung saan ginagamit ang kinita sa maintenance ng paaralan. Sa dakong huli, kung ang mga mag-aaral ay hindi makapagbigay ng kontribusyon para sa ganitong uri ng pamamaraan, hindi sila pinapayagang kumuha ng mga exams o sumali sa graduation ceremonies.
Discussion about this post