Matagumpay na pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang selebrasyon ng United Nations (UN) Day kahapon, Oktubre 24, sa DepEd Central Office.
Ang aktibidad ay kinabilangan ng paggunita hng kahalagahan ng United Nations, kasabay ng pagbalik tanaw sa mga layunin at prinsipyo ng UN Charter.
Bukod pa rito, binigyan din ng pagkilala ang Bonuan Buquig National High School mula sa SDO Dagupan sa kanilang pagsungkit ng Top Prize bilang World’s Best School for Environmental Education ng T4 Education.
Narito ang ilang bahagi ng talumpati ni Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III sa ukol nasabing tagumpay ng paaralan. “Kami po ay natutuwa, nasisiyahan, at nagbibigay pugay sa ating mga teacher, estudyante, magulang, at komunidad na nakapalibot sa Bonuan Buquig National High School. Kayo po ay aming sinasaluduhan. Ang inyong pagtatagumpay sa World’s Best School Prizes, on the category of World Environmental Action, ay isang bagay na nagpapatunay na tayong mga Pilipino ay gumagawa ng kaparaanan para maibalik natin ang kasaganahan ng ating komunidad.”
Ang mga kahalintulad na selebrasyon ay ninanais na maikintal ng Kagawaran ng Edukasyon sa isipan ng bawat isa na kailangang ipagpatuloy ang pagbibigay pugay sa mga pagsisikap ng mga guro, estudyante at magulang maging ng komunidad upang maipagpatuloy ang pagkamit ng iba’t- ibang karangalan na inspirasyon sa lahat ng Pilipino.
Discussion about this post