Apat na persons of interest na ang nakatakdang tutukan ng mga kawani ng Provincial Police Office (PPO) ayon kay PCOL Dionisio Bartolome, Provincial Director ng mga kapulisan sa lalawigan, sa inilunsad na press conference sa compound ng PPO ngayong umaga ng Biyernes, Nobyembre 20, 2020.
Bagaman hindi nilantad ng opisyal ang pagkakakilanlan ng apat umanong persons of interest sa kaso sa pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit noong araw ng Martes, Nobyembre 17, ay sinigurado naman nitong nakatutok ang buong pwersa ng kapulisan sa lalawigan kasama na rin ang ahensiya ng National Bureau of Investigation (NBI) at Integrated Bar of the Philippines – Palawan Chapter para sa mabilisang pag-resolba ng walang awang pagpatay sa nasabing abugado.
Ayon pa rin sa opisyal, sa kasalukuyan ay nakatutok sila sa motibong kaugnay sa trabaho ang dahilan sa likod ng pamamaril kay Magcamit.
“The motive that we are currently eyeing on is work-related. However, we remain open to pursue other motives that may surface on the course of investigation,” ani Bartolome.
Sa ngayon ay hawak ng mga kapulisan ang buong video clip na narekober mula sa dashcam ng sasakyan ng biktima kasama na rin ang iba pang mga CCTV footage na nakalap nila mula sa mga dinaanang establisyemento ng biktima at mga suspek, ayon kay Bartolome.
Ang mga ito umano ang nagbunga upang magkaroon sila ng listahan ng apat na taong kinokonsidera bilang persons of interest na sa ngayon ay kanilang iniimbestigahan ang pagkakakilanlan.
Sinabi rin ni Bartolome na patuloy pa rin silang nangangalap ng ebidensiya sa mga personalidad na ito.
“Among the pieces of evidence gathered that we are looking desperately are the video on the dashboard camera of the slain victim and several other CCTV footages along the road that he traveled,” ani Bartolome.
“Exploitation of these evidences led to the selection of several persons of interest. They are currently being subject for profiling to establish their backgrounds, records, and history,” dagdag niya.
Umaasa ang mga awtoridad na makikilala ang mga pagkakakilanlan ang apat na pesons of interest sa lalong madaling panahon para sa agarang pag-resolba ng kaso.
Discussion about this post