Dahil sa sobrang init ng panahon at hindi makalabas ng bahay para mag-swimming at magpalamig ngayong summer season, naisipan ng isang pamilya sa bayan ng Narra ang gumawa ng sarili nilang swimming pool.
Hindi lang ito basta-basta swimming pool bagkus ay isang pool na may poso.
Ayon kay Noraima Saripada, naisip ng kanyang mga magulang na gumawa ng swimming pool bilang regalo sa kanilang bunsong kapatid.
Kwento pa ni Saripada, lahat sila ay nagtulung-tulong sa paggawa nito at naisip nilang tema ay Spongebob dahil ito rin ang paboritong cartoon character ng kanyang kapatid.
Tumagal din anya ng halos sampung araw ang paggawa nila sa pool.
Hindi naman nila akalain na magte-trending ito sa Facebook na ngayon ay mayroon nang mahigit sa 32,000 likes at mahigit walong libong shares.
Discussion about this post