Noong ika-2 ng Abril bumisita sa lungsod ng Puerto Princesa si Senatorial Candidate Francis “Chiz” Escudero at nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga local media sa Palawan kung saan inihayag niya ang kanyang plataporma.
Ayon kay Escudero, tututukan niya ang mga magsasaka sa Pilipinas lalo na at hindi kumikita dahil sa mga imported na gulay, prutas at imported na mga produkto na pumapasok sa bansa at ang kumikita ay ang mga dayuhang magsasaka.
“Upang makabangon ang bansa, kailangan suportahan ang mga magsasaka, mangingisda at tutukan ang pondo ng Department of Agriculture dahil 80 milyon lamang ang pondo nito kong ikumpara sa Department of Public Works and Highway (DPWH), na nilalaanan ng pondo na 840 billion. Imbes na Pilipinong magsasaka ng bansa ang kumikita mga dayuhan mali yan, at dapat mabago sa susunod na administrasyon,” pahayag ni Escudero.
Dagdag pa niya wala pang 10% ng DPWH ang pondo na mayroon ang Department of Agriculture.
“Wala pang 10% ng pondo ng DPWH ang nilalagay natin sa agriculture, akala ko ba Agri Country tayo parang lumalabas tuloy na bansa tayo ng constructor at construction at hindi Agriculture Country. So ‘wag na tayo magtaka kung bakit nag-iimport tayo at ang ibang bansa nag-e-export sa atin.”
Tinalakay din nito ang oil price hike dahil isa siya sa sumusuporta sa pagbasura ng Oil Deregulation Law. Para kay Escudero, dapat bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na magtalaga ng Price Act at bigyang-pansin at bigyan ng kapangyarihan na panghimasukan ang presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang naihalal noon si Escudero bilang senador at muli itong tumatakbo sa pagkasenado ngayong election May 2022 na may layuning maiahon ang bansa sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pandemya.
“Una dahil sa pandemiyang ito nakita at nadiskubre ko na anumang tumbling, galing, talino na gawin ko bilang gobernador ng Sorsogon, may hangganan ang aming mararating dahil sa naging problema dulo’t ng pandemiyang ito sa ekonomiya ng bansa,” ani Escudero.
“Pangalawa, ito yung mga panahon dapat all hands lahat ng pwede maiambag, maialay, ialay na sa muling pag-iikot ng ekonomiya, pagbangon ng bansa sa pandemyang ito.”
Nais ni Escudero na ialay ang kanyang karanasan, talino, talento, galing na mayroon siya upang muling makabangon ang Pilipinas.
Discussion about this post