Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa rehabilitasyon ang Berong Nickel Corporation. Matatandaan na taong 2007 nagsimula ang Berong Nickel Cooperation (BNC) na magmina sa bayan ng Quezon, bahaging Sur ng Palawan, na nagtapos nitong 2021.
Sa ngayon ay wala nang anumang operasyon ang mahigit sa 288 ektaryang minahan bagama’t nasa 169 lamang ang kanilang nabuksan at 66 ektarya pa ang kasalukuyang di pa nagagalaw at hanggang sa ngayon ay may mga hindi pa natinag na tanim na mga punong gubat.
Ipinahayag ni Environmental Protection and Enhancement Officer JP Dela Cruz ng Berong Nickel Corporation, sa kasalukuyan ay mayroon na silang final mine rehabilitation and commissioning plan at lahat ng napag-iwanan na mga lugar ng minahan ay sumasailalim na sa progressive rehabilitation.
Sinabi ni Dela Cruz, “lahat ng maiwanan kailangan natin (na) i-slope stabilize tapos lagyan natin top soil binabalutan natin ng coco net and then eventually tatamnam natin ng indigenous spices na dito rin makikita sa paligid natin.”
Dagdag pa ni Dela Cruz, dalawampu’t limang (25) areas ng minahan ang dapat sasailalim sa implementasyon ng FMR/DP na kung saan nilaanan ng kumpanya ng kabuuang budget na 110 million pesos.
Ang Berong Nickel Corporation ay mayroong isang daan (100) na mga empleyado na karamihan ay operator ng heavy equipment, backhoe at dump truck, meron din silang naka designate na grupo na naka assign naman sa pagtatanim at nasa 20 na katao, habang 13 naman sa nursery.
Sa pahayag naman ni Safety and Health Dept. Head Rolando Sajot, nagpapasalamat naman ito simula nang magsimula ang operasyon ng minahan walang naitalang fatal accidents ang kumpanya.
Buong pagmamalaki na ipinahayag ni Sajot, “Ang BNC, simula ng magsimula ang kanilang mining operations pagdating sa safety performace kami ang isa sa minahan na walang fatal accidents until we closed our mines ibig sabihin wala na tayong ini-extract na minerals from the 288 hectares na MPSA.”
Nabatid na binabalak gawin ang tinatayang nasa 25 ektaryang bahagi ng pinagminahan na lugar ng BNC na maging isang eco-tourism park. Ito ay yaong mataas na bahagi ng bundok na may 360-foot view deck habang ang mababang portion naman ay gagawing agro-forestry area.
Discussion about this post