Planong pangalanan na sa Miyerkules ng Commission on Elections (COMELEC) ang “Magic 12” o ang 12 Senatorial candidates na nanguna noong eleksyon.
Kabilang na rin sa mga idedeklara sa susunod na araw, Huwebes, ay ang mga nanalo namang party-list groups.
Ang magiging proclamation date ay napag-usapan ng 7 commissioners kagabi, Linggo, sa kanilang executive session sa pang-anim na araw mula nang nagsimula ang official canvassing ng mga boto sa Philippine International Convention Center (PICC).
“We will proclaim the 12 senators on Wednesday afternoon if the COC (certificate of canvass) from Hong Kong is transmitted tomorrow and we will proclaim the party-list groups with guaranteed seats on Thursday afternoon,” ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.
Sa pagtatala ng mga resulta ng mga bagong nanalo na senatorial candidates at party-list groups, kasalukuyan nang nakapagtally ng 159 o 92% ng kabuuang 173 COCs ang Comelec, at naghihintay na lamang ng 14 pa nito, kabilang ang 11 na overseas votes galing sa Bangladesh, Myanmar, Timor-Leste, Czech Republic, Denmark, Norway, Vatican, Iran, Kenya, Nigeria, at Mexico.
Nabanggit rin ng acting spokesperson ng poll body na paparating na rin ang mga ito.
Sa kasalukuyan, ito ang mga nangungunang senatorial candidates:
Padilla, Robin (PDPLBN) – 26,454,562
Legarda, Loren (NPC) – 23,992,761
Tulfo, Raffy (IND) – 23,166,449
Gatchalian, Win (NPC) – 20,050,377
Escudero, Chiz (NPC) – 20,050,377
Villar, Mark (NP) – 19,210,280
Cayetano, Alan Peter (IND) – 19, 079,581
Zubiri, Migz (IND) – 18,582,962
Villanueva, Joel (IND) – 18,300,955
Ejercito, Jv (NPC) – 15,688,993
Hontiveros, Risa (AKBAYAN) – 15,273,594
Estrada, Jinggoy (PMP) – 14,966,887
Discussion about this post