Nais ngayong palakasin ng mga grupong nakatutok sa pagsupil sa forced labor (FL) at trafficking in person (TIP) sa mga mangingisdang nasa commercial fishing vessel ang paglaban sa nabanggit na mga usapin sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa media.
Sa isinagawang online forum noong Nobyembre 18 na may pamagat na “Role of the Media in Protecting Fishers and Forced Labor and Human Trafficking Amidst Pandemic”, bagama’t hindi maayos na nadaluhan ng local media ng Palawan dahil sa biglaang pagkawala ng internet connection sa lalawigan noong araw na iyon hanggang kinabukasan, binigyang-diin sa nasabing aktibidad ang malaking papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa paglutas ng nabanggit na problema na sa ngayon umano ay tila normal na lamang.
Ayon sa manager ng Safeguarding Against and Addressing Fishers’ Exploitation at Sea (SAFE Seas) Project ng Plan International na si Joe Pres Gaudiano, hindi gaya ng mga manggagawang nasa kalupaan, ang mga fish worker na sakay ng mga malalaking bangkang pangisda ay hindi halos napagtutuunan ng pansin ukol sa dinadanas nilang sapilitang pagtatrabaho, exploitation at pagkakapunta sa ganoong trabaho dahil sa human trafficking.
RASON NG PROYEKTO
“We highlight here forced labor on fishing vessel because this is the segment or this is the part that’s really left out. There are laws or regulations on, for example, standardization of compensation on land-based works, and that employs fisher workers on land-based establishments, for example in fish port processing plant. But with the workers onboard fishing vessels, that subject must be discussed well because of some issues about their practices which have been going on for [many] years already,” ani Gaudiano.
“Many Filipinos are left with no other options but to risk their lives because of poor living condition,” dagdag pa ni Gaudiano bilang paliwanag na minsan, kahirapan ang nagtutulak sa isang tao na magtrabaho kahit na mapanganib.
Aniya, sa malaking papel na ginagampanan ng mga mangingisda dahil sila ang pinagmumulan ng pag-unlad ng ekonomiya at prodyuser ng produktong mula sa dagat na kung saan, isa sa mga pinanggagalingan ng protina ng mga Pilipino ay mga isda, karapat-dapat lamang na bigyan ng pagpapahalaga silang mga nasa fishing sector.
Ibinahagi ng Project Manager ng SAFE Seas na isa ang Pilipinas sa mga prodyuser ng mga isda sa buong mundo na kahit isa sa mga mapanganib na trabaho, nag-eempleyo ang bansa ng 1.6 milyong mga Pilipino o trabahante.
“Isa sa number one source of protein is fish, ‘yong mga seafood product, and we should owe it to our fishermen,” ani Guadiano.
Sa kabila ng limitadong report mula sa mga naabuso o survivor, batid ng mga kinauukulan na sinasamantala ang kahinaan ng mga mangingisda at sapilitan silang pinapatrabaho ng mas mahabang oras nguit walang benepisyo.
“According to the International Labor Organization, that workers on fishing vessels are often working on long hours at very low pay under intent hazardous condition. Frequently, these workers have to deal with unpaid salary for Occupational safety and health, illness, physical injury, and psychological and sexual abuses,” pagbubunyag pa niya.
PROJECT SITES
Ito ang mga nagtulak sa PLAN International Philippines para ipatupad ang SAFE Seas Project, isang proyektong pinondohan ng United States Department of Labor (USDOL) sa dalawang lugar sa Palawan. Sa General Santos City at sa dalawa ring project sites sa Saranggani Province, katuwang naman ang Oblates of Notre Dame Hesed Foundation, Inc.
Sa Palawan, ang SAFE SEAS Project ay ipinatutupad sa Lungsod ng Puerto Princesa at sa Bayan ng Taytay habang sa ibang lugar ay sa General Santos City, South Cotabato at sa mga bayan ng Glan at Kiamba sa Saranggani Province. Kung sakali naman umanong may ganito pang proyektong ipatutupad sa mga susunod na taon ay kanila nang ikukunsidera, halimbawa sa Palawan, ang Balabac at Bataraza na kadalasang exit point ng human trafficking, at maging sa iba pang bahagi ng bansa na makikita nilang kailangan nito.
Maliban din sa Pilipinas, kabilang sa mga project sites ay ang Jakarta, Indonesia. Makaraang nagsimula noong 2018, matatapos naman ang nabanggit na proyekto sa 2021.
Layon ng nasabing proyekto na mabuo ang maayos na relasyon sa pagitan ng mga mangingisda, operators at iba pang aktor ng supply chain sa fishing industry, kabilang na ang media. Naniniwala silang sa pagtutulungan ng concerned agencies sa pamahalaan, NGO, mga fisherfolk at lahat ng stakeholders ng fishing industry at mga mamamahayag ay malalabanan din ang FL at TIP.
ANO ANG TIP at FL?
Sa virtual forum, nagbigay ng Overview ukol sa “Trafficking in Person in the Philippine Fishing Industry” si DOJ Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris Alejo na siya ring chairman ng Task Force against Trafficking in Person at Board Member ng Board of Claims ng Victim’s Compensation Program.
Tinalakay din niya ang laman ng RA 9208 o ang “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” na inamiyendahan ng RA 10364.
Ipinaliwanag niyang nakasaaad sa batas na ang “Trafficking in Persons” ay tumutukoy sa recruitment, transportation, pag-transfer o pag-harbor, o pagtanggap ng mga indibidwal alam man o pumayag man o hindi ang biktima na bumiyahe sa mga lugar sa bansa sa pamamagitan ng pananakot o paggamit ng pwersa, o iba pang porma ng pamimilit, abduction, pandaraya, panlilinlang, pag-abuso sa kapangyarihan o posisyon, pananamantala sa kahinaan ng indibidwal, o pamimigay o pagtanggap bayad o benepisyo upang makuha ang pagpayag ng isang tao na may kontrol sa isang tao para sa pang-aabuso kabilang na ang exploitation o prostitusyon sa iba o iba pang anyo ng sexual exploitation; forced labor or services, pang-aalila, paninilbihan o pag-aalis o pagbebenta ng mga external organ ng isang tao.
Kabilang din sa human trafficking ang pag-recruit, pag-transport, pag-transfer, pag-harbor o pagtanggap ng mga bata na ang layunin ay maabuso kahit hindi na-involve ang mga deskripsyon sa naunang talata.
Ang “Forced Labor” naman ay tumutukoy sa extraction ng trabaho o serbisyo mula sa sinumang indibidwal sa pamamagitan ng pang-eengganyo, karahasan, pananakot o pagbabanta, paggamit ng lakas o pamuwersa, kabilang na ang pagkitil sa kalayaan, pag-aabuso sa kapangyarihan o moral ascendency, debt-bondage, o panlilinlang kabilang na ang pag-extract ng anumang trabaho o serbisyo sa sinuman sa ilalim ng banta ng kaparusahan.
Ang mga rekomendasyon naman ng kinatawan ng DOJ ay tiyakin na maging aware na ang mga fish worker sa kanilang mga karapatan na ginagarantiya ng batas, suporta ng mga LGU halimbawa na lamang na magkaroon ng pakikipag-usap ang mga lider sa lokal na pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan kahit ang mga taong nasa sari-sari store, at istriktong security measure sa katubigan sa baansang Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ng PLAN International Philippines at Philippine Information Agency na ang media forum ang simula ng mas aktibong pakikipag-ugnayan nila sa media upang malabanan kung ‘di man lubusang masawata ang nangyayaring human trafficking at forced labor sa mga mangingisdang nagtatrabaho sa mga fishing vessel.
Discussion about this post