Kasalukuyang nasa pagamutan ang mga sakay ng dalawang sasakyan matapos na magkabanggaan partikular sa Kilometer 28, South National Highway, Barangay Sta. Lucia, sa lungsod ng Puerto Princesa City, ganap na 10:30 ng umaga ika-13 ng Pebrero 2022.
Kinilala ang driver ng Toyota Hilux na si Edgar Caliguid Jr, 25 anyos, at sakay nito na si Salina Caliguid 53 anyos, residente sa Wescom Road, Barangay San Miguel.
Habang kinilala naman ang driver ng Toyota Hi- Ace na si Michael Ampan 29 anyos, residente sa bayan ng Quezon Palawan, Ford Lascuna 19, van conductor
Sakay ang walong pasahero kabilang na ang dalawang menor de edad.
Sa initial na imbestigasyon ng Police Station 2, mula sa lungsod ang sasakyan na Hilux papunta ito sa bayan ng Aborlan, at mula naman sa bayan ng Quezon ang pampasaherong van patungo naman sa lungsod nangg dumating sa lugar sa kilometer 28 Barangay Sta. Lucia at dahil pakurbada ang kalsada ay lumihis sa kaliwa ang pampasaherong van dahilan upang pumasok sa linya ng Hilux, at naganap ang banggaan, sa lakas ng impact wasak ang unahan ng hilux at ang pampasaherong van tumagid, sugatan ang mga sakay ng dalawang sasakyan.
Agad naman dumating ang kinauukulan sa lugar at mabilis na naisugod sa pagamutan ang mga biktima.
At kanina Pebrero 14, kinumpirma ng awtoridad na binawian na ng buhay ang labing anim na taong gulang na dalagita dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan at isa sa pasahero ng pampasaherong van.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente at posibleng maharap sa kaukulang kaso ang driver ng Toyota Hi-Ace.
Discussion about this post