Bumisita sa Puerto Princesa City Police Office si Brigadier General Sidney S. Hernia ang Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA, kanina February 10, 2022, at pinaalahanan nito ang mga kapulisan na maging non-partisan.
“Kung mayroon man tayong iboto, may karapatan tayo. Pero bilang PNP members we should be non- partisan. Kailangan maging maingat sa hakbang. Iwasan mapasama sa pangangampanya. Let us work professionally,” pahayag ni Hernia.
Mainit ito na tinanggap ni Police Colonel Roberto M. Bucad, Acting City Director ng PPCPO.
Pinuri din ni PBGEN. Hernia ang kapulisan sa Puerto Princesa dahil sa pagsusuot ng proper uniform. “Kapag maganda, maayos, malinis ang pagsusuot ng uniform we create a good impression, positive impression to the people we serve, disiplina ang kailangan.”
Hinikayat din nito ang lahat ng kapulisan na maaassign sa eleksyon na kinakailangang magsuot ng uniform. Bagama’t malaking pagsubok sa PNP ang nalalapit na eleksyon kailangang mapanatili pa rin ang zero election-related violence.
Umaasa ang opisyal na magiging tahimik ang halalan 2022 at makamit ang peace and order sa Puerto Princesa City at lalawigan ng Palawan.
Discussion about this post