Arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Palawan ang dalawang indibidwal na kabilang sa Top Ten Priority sa regional at provincial Level na napapabilang din sa high value individuals (HVI) sa lalawigan.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Benjamin Barenan Bahande Jr, 42 anyos, may asawa, negosyante, residente ng Brgy. Calasaguen, Brooke’s Point at Welmar Barenan Bahande, 44, may asawa, isa ring businessman at residente ng Brgy. Maasin sa nasabi ring munisipyo. Kasama ring nadakip sa nasabing anti-illegal drugs operation ang drayber ng sasakyang kinakitaan din ng mga ilegal na droga na si Felix Lindog Magsino, 45, may asawa na residente naman ng Brgy. Antipuluhan, Narra, Palawan.
Sa spot report ng PPO, nakasaad na dakong 6:55 pm noong August 19 nang isinagawa ang nasabing buy-bust operation sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Saraza, Brooke’s Point, Palawan ng joint personnel ng Brooke’s Point MPS bilang lead unit, PIU, PDEU PALPPO at 2nd PPMFC Company na nagresulta sa pagkakadakip sa nabanggit na mga indibidwal.
Nakumpiska mula sa kustodiya ni Benjamin Brenan Bahande Jr. ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu (binili), isang P500 na ginamit bilang buy-bust money, apat na P1,000, isa pang P500 at isang P100.
Nakuha naman ng mga otoridad mula sa kustodiya ni Welmar Bahande ang isang smart mobile phone, isang itim na coin purse na naglalaman ng aluminum foil na ginupit sa iba’t ibang laki, tatlong P100, dalawang P5 barya, isang maliit na plastic box, isang pakete na naglalaman ng puting pulbos na pinaniniwalaang shabu habang narekuber naman sa sasakyang Nissan Almera na may plate number ABN 7129 naminamaneho ni Felix Magsino ang isang kulay Gray/black na sling bag na naglalaman ng isang stainless na gunting, isang kulay violet na lighter, isang kulay itim na leather wallet, isang pakete na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu, isang pakete na naglalaman ng tuyong dahon na pinaniniwalaang Marijuana, mga ID card, isang kulay itim na Nokia Cellphone at aluminum foil.
Sa ngayon ay nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa ilang probisyon ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post