RIZAL, PALAWAN
Nagpapalamig na sa likod ng rehas na bakal ang itinuturong Number 1 Most Wanted Person sa Bayan ng Rizal matapos maaresto pasado Linggo ng umaga, Pebrero 14, sa Sitio Balucanad, Barangay Culasian, Rizal, Palawan.
Kinilala ito na si Gaipi Oda Amis, 21 anyos, may asawa, magsasaka at residente rin sa nabanggit na barangay.
Dinakip ito sa bisa ng Warrant Of Arrest na inilabas ni Presiding Judge Ramon Chito R. Mendoza, dahil sa kasong ‘Rape by Sexual Intercourse’ at kasong paglabag sa Section 5(a) ng Republic Act 7610 o child abuse.
Samantala si Amis ay nasa kustodiya na ng Rizal Municipal Police Station at nakatakda ng iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon.
BUSUANGA, PALAWAN
Huli ang itinuturing No. 6 Most Wanted ng Busuanga, Palawan matapos ikasa ng Busuanga Munucipal Police Office (MPS) ang operasyong Oplan 02-01 “Valentino # 2021” bandang 11:30 ng umaga, Pebrero 14, 2020.
Ayon sa report ng Provincial Police Office (PPO), kinilala ang naaresto na si Jomark Mac Mac Ello, 29 anyos, mangingisda at residente ng nasabing lugar.
Hinuli ito sa bisa ng Warrant Of Arrest dahil sa kasong ‘Frustrated Murder’. Nasa kustodiya ito ng Busuanga MPS habang hinihintay na maiharap sa korte.
CORON, PALAWAN
Ikinasa naman nitong Linggo ng hapon, Pebrero 14, sa Barangay San Nicolas, Coron, Palawan ang operasyon sa paghuli sa No. 3 Most Wanted sa bayan.
Sa bisa ng Warrant Of Arrest para sa 9 na kasong ‘Rape’ noong Nobyembre 17, 2020 at 2 bilang ng ‘Statutory Rape’ noong Nobyembre 24, 2020 na inilabas ni Hon. Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163, Coron, Palawan, inaresto si Rene Alberyo Espina, 40 anyos, at residente ng nabanggit na lugar.
Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Coron Municipal Police Station (MPS) upang maipresenta sa korte para sa kaukulang disposisyon.
Discussion about this post