Arestado ng Bataraza Municipal Police Station ang lalaki na wanted sa batas na Rank No. 3 province sa Bataraza Town Center Terminal, Barangay Marangas, Bataraza kahapon Enero 27.
Kinilala ang suspek na si Saraman Sali y Attan, 52 anyos, may asawa, at residente sa Sitio Tuka, Barangay Igang-igang sa bayan.
Inaresto ito ng awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Ramon Chito Mendoza, Presiding Judge ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan noong July 4, 2019 sa kasong Statutory Rape.
Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kaso ng lalaki na ngayon ay nasa piitan na ng pulisya para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post