Isang fish vendor ang binaril sa Upper Bancuang, National Highway, Barangay Poblacion 5, Coron, Palawan, ganap na 1:00 AM ng ika-14 ng Hulyo.
Kinilala ang biktima na si Amper Junfel Jamer, 38-anyos, residente ng Barangay Tagumpay, Coron, Palawan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, sakay ng motorsiklo ang biktima na minamaneho ni Alyas Nolie, at pagdating sa lugar bigla na lamang may bumaril sa biktima na hindi pa nakikilala na nakasakay rin sa isang motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang biktima habang ang driver nito ay hindi nasaktan.
Agad rin namang naisugod sa pagamutan ang biktima.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng Caliber 9mm, at kasalukuyan rin itong isinasailalim sa ballistic examination.
Nagsagawa na rin ng follow-up investigation at manhunt operation ang PNP para sa pagkakakilanlan ng kriminal.
Discussion about this post