Timbog ng Criminal Investigation and detection group (CIDG) Palawan sa pangunguna ni PMAJ RICHARD JOHN DM MACACHOR ang isang lalaki na wanted sa batas at may dalawang kaso.
Kinilala ang suspek na si Danilo Blas, 54 anyos, may-asawa, security guard at residente ng Purok II, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa report ng CIDG, sa pamamagitan ng “Oplan Pagtugis at Salikop” noong February 1 nahuli ang suspek sa nasabing barangay.
Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Benjamin A.G. Vega, Judge of Regional Trial Court, Branch 4, Puerto Princesa City, Palawan sa kasong pagpatay at sa kasong Frustrated Murder na pirmado naman ni Judge Rufrocinio S. Dela Merced, Executive Jugde of First Instance of Palawan 7th Judicial District Branch III, Puerto Princesa City, Palawan.
Walang inilaang pyansa sa kasong pagpatay ngunit mayroong P15,000 na inilaang piyansa para sa kasong Frustrated Murder laban sa nasabing suspek.
Samantala nasa kustodiya na ito ng CIDG para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post