Patay sa pananaksak ang isang menor de edad sa Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan bandang alas-3:00 ng madaling araw noong Nobyembre 4.
Ang biktima ay mula sa Quezon habang ang dalawang suspek na kinilala sina alias “Nonoy” at alias “Gino” ay pawang residente ng parehong lugar.
Sa pagsisiyasat ng PNP, lumilitaw na ang biktima at kanyang mga kaibigan ay pauwi mula sa disco sa Barangay Punta Baja nang magkaruon ng sigalot sa mga suspek. Sa gitna ng engkuwentro, si alias “Gino” ay sinuntok ang biktima habang si alias “Nonoy” naman ang umano’y sumaksak ng dalawang beses sa likod ng menor de edad.
Humingi ng tulong ang biktima mula sa mga kaibigan nito habang nag aagaw-buhay. Agad na dinala sa Rizal District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring doctor.
Agad na tumakas ang suspek sa hindi pa tukoy na lugar. Pina-igting na rin ng PNP ang paghahanap sa mga suspek at maging ang motibo sa likod ng insidente.
Isinampa na sa Provincial Prosecutions Office ng Palawan ang kasong pagpatay sa dalawang suspek ng mga awtoridad.
Discussion about this post