Humingi ng tulong sa Palawan Daily News ang nakatatandang kapatid ng lalaking natagpuang wala nang buhay sa Barangay Mangingisda nitong Sabado, March 28.
Sa mensaheng ipinadala ni Lucille Lagaras sa PDN, sinabi nitong nais nilang ma-imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang kapatid dahil sa hinalang may naganap na foul play.
“Sana po matulungan nyo po kami sa pagpa-imbistiga sa kapatid ko na nalunod sa dagat parang may foul play po nangyari nabutas po kase ang mata nya at puro dugo ang tainga at mata nang matagpuan ang bankay sa dagat nasa brgy mangingisda po yung bangkay ng kapatid ko hinde pa nalilibing at hinde pa po napa autopsy,” sabi ni Lagaras sa kanyang mensahe.
Sa pakikipag-usap din sa kapatid ng biktima, sinabi nitong doble ang sakit na nararamdaman nila ngayon dahil sa halos wala silang magawa para sa kanilang kapatid.
“Gusto po talaga namin ma-autopsy sana kaso wala daw pong nakalaang doktor na magsasagawa ng autopsy sa bangkay,” dagdag ni Laragas.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Palawan Daily kay Police Captain Alevic Rentino, ang hepe ng PNP Station 2 at sinabi nitong maaaring makipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa imbestigador ng kaso para sa kanilang hiling na autopsy sa bangkay hanggat hindi pa ito naililibing.
“Pwede pa naman basta hindi pa nailibing basta kontakin lang nila ang imbestigador ng kaso kasi nung pumunta ang imbestigador doon, nag-refuse sila sa autopsy pero pwede pa ‘yan,” ani Rentino sa panayawan ng Palawan Daily.
Ang problema lang ng pamilya ngayon ay ililibing na ngayong araw, April 1 ang biktima dahil tatlong araw lang ang ibinigay ng barangay officials na pahintulot para sa burol dahil parin sa implementasyon ng curfew bunsod nh enhanced community lockdown.
“Nasa Manila po kasi ako at ang mga magulang ko po ay nakatira sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Caruray sa San vicente pa at wala po silang masakyan kaya bumalik nalang po sila ulit sa amin,” kwento pa ni Lagaras.
Sa ngayon ay umaasa parin ang pamilya ng biktima na malalaman nila ang tunay na dahilan na pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Matatandaan na Sabado ng umaga ng matagpuan ang bangkay ni Hernan Moraca Lagaras sa pangpang ng Paglaom 3 sa Barangay Mangingisda, lungsod na ito.
Discussion about this post