Ilang appliances at mga mahahalagang gamit at cellphone ang tinangay ng mga di pa nakikilalang suspek sa Bayan ng El Nido kamakailan.
Kinilala ang biktima na si Reymark Elizalde Fontanilla, 25 taong gulang, at residente ng Sitio Batbat, Brgy Villa Libertad, El Nido, Palawan habang ang mga suspek ay hindi pa nakikilala.
Sa spot report ng PPO, nakasaad na personal na tumungo ang nasabing biktima sa El Nido MPS dakong 10:00 am kahapon, August 19, 2020 upang iulat ang insidente ng pagloloob sa kanilang tahanan habang nasa lungsod pa sila ng Puerto Princesa.
Napag-alamang tumungo ang mag-partner sa Lungsod ng Puerto Princesa dakong 6:00 pm noong Agosto 12, 2020 at nakauwi naman sila ng kanilang tirahan bandang 7:00 pm noong noong August 17, 2020. Sa kanilang pagdating, nadiskubre umano nilang bukas na ang kanilang gate kasama na ang kanilang main door at bintana at nawawala na ang kanilang mga kagamitan.
Ang mga natangay nilang gamit ay ang dalawang kulay itim na mga black speaker, isang DVD Player, isang Sharp LED TV 32 inches na nagkakahalaga ng P18,000, isang black Acer laptop na nagkakahalaga ng P27,000, isang pulang HP touchscreen laptop na may halagang P18,000, isang My Phone tablet, dalawang
Merrell rubber shoes na kulay pink at gray na pawang nagkakahalaga ng P4,000, isang maroon Michaela backpack na may halagang P700, isang maroon Michaela sling bag na may halagang P700, anim na Korean handbags, isang ladies watch/Michael Kors, isang men’s watch/ Nixon at dalawang bed sheets na kulay pink at blue.
Habang isinusulat naman ang balitang ito ay nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng El Nido MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakadakip ng mga suspek.
Discussion about this post