Matapos ang mahigit isang taong pagtatago sa batas, kahapon ay tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang suspek dahil sa kasong Destructive Arson.
Sa spot report na ibinahagi ng tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPO) na si PLt.Col. June Rhian, nakasaad na nadakip ang nasabing indibidwal sa Brgy. Isugod, Quezon, Palawan dakong 5 pm kahapon, Dec. 1, 2020.
Kinilala ang suspek na si Leo Parangue Damasco, 48 taong gulang, binata, construction worker, at residente ng Quirino St., Brgy. Poblacion, Narra, Palawan
Inaresto ang nasabing suspek ng joint personnel ng Narra MPS, kasama ang mga tauhan ng PIDMU Palawan PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang July 22, 2019 na ibinaba ni Judge Angelo R. Arizala ng RTC Branch 52 dahil sa kasong Destructive Arson.
Wala namang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Narra MPS ang naturang indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post