ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

64-anyos na katutubong lider sa bugsuk, inaresto sa kasong illegal fishing noong 2006

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
May 26, 2025
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

Print Friendly, PDF & Email
Sa gitna ng tumitinding tensyon sa maliit na pamayanan ng Sitio Marihangin, inaresto nitong Mayo 17 ang 64-taong gulang na lider-katutubo na si Oscar “Tatay Ondo” Pelayo, base sa kasong illegal fishing na isinampa pa noong 2006—isang hakbang na mariing kinondena ng mga grupong magsasaka at tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo bilang pagsikil umano sa kanilang paninindigan sa lupang ninuno.

Para sa mga kasapi ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (Pakisama), hindi hiwalay ang pag-aresto kay Pelayo sa mas malawak na konteksto ng umano’y agresibong pagsakop sa ancestral domain ng mga Molbog, Palaw’an, Cagayanen, at iba pang lokal na mangingisda’t magsasaka sa isla ng Bugsuk.
“Ang pinakahuling pagkakakulong kay Pelayo, isang hayagang tagapagtanggol ng karapatan sa lupa at tubig, ay patunay na ginagamit ang batas bilang armas laban sa mga komunidad na tumututol,” pahayag ng Pakisama.

Ang pagkakaaresto ni Pelayo ay kasunod ng pagdakip sa tinaguriang “Marihangin 10” — sampung residente, kabilang ang katutubo at hindi katutubo, na inaresto noong Mayo 15 dahil sa kasong grave coercion. Kabilang sa kanila ang anak ni Pelayo, na ngayon ay nahaharap din sa paglilitis. Nakatakdang magsimula ang pagdinig sa Mayo 26.

Sa parehong linggo, higit 40 armadong guwardiya mula sa JMV Security Services ang muling nagtangkang pasukin ang isla bandang alas-tres ng madaling araw ng Mayo 18, ayon sa mga residente. Ito na ang ikalawang insidente mula nang dumating ang 80 guwardiya sa komunidad noong Abril 4. Sa parehong pagkakataon, hindi malinaw kung may legal na dokumentong pinanghahawakan ang mga guwardiyang pumasok.

Ayon sa mga grupong Pakisama at Sambilog-Balik Bugsuk Movement, ang kasong isinampa noong 2006 laban kay Pelayo ay bahagi umano ng sistematikong pananakot at sangkutan ng mga tauhan ng Jewelmer Corporation at ilang lokal na pulis sa Balabac. Si Pelayo ay miyembro ng Sambilog, isang organisasyong aktibong tumututol sa pang-aangkin ng lupain at yamang dagat ng mga korporasyon.

“Simula nang pumasok ang Jewelmer sa isla, nilimitahan ang galaw ng mga lokal na mangingisda, na para bang dayuhan sila sa sarili nilang karagatan,” giit ng Sambilog.

Bukod sa Jewelmer, kinikilala rin ng mga residente ang Bricktree Properties—subsidiary ng San Miguel Corporation (SMC)—bilang pangunahing promotor ng isang 5,568 ektaryang eco-luxury tourism project na umano’y magpapalayas sa natitirang 94 kabahayan sa isla. Sa kabila ng pagtanggi ng SMC sa legal na pagmamay-ari, isinanib nila ang proyektong ito sa kanilang opisyal na pag-uulat sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2023.

Ang proyekto, na nakatakdang matapos sa 2038, ay may basbas ng Sangguniang Bayan ng Balabac, na naglabas ng resolusyong humihiling sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglabas ng Strategic Environmental Plan (SEP) Clearance at Environmental Compliance Certificate (ECC).
“Ang island-grabbing na ito ay dapat na ngang matigil,” mariing pahayag ni Roberto Ballon, tagapangulo ng Pakisama. Pinuri rin niya ang pakikiisa ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), na kinakatawan ang 1,500 Catholic schools sa buong bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng CEAP: “We appeal to concerned authorities to uphold due process, respect indigenous rights, and ensure the safety and dignity of the Molbog people.”

Nagsama-sama rin sa panawagan ang iba’t ibang grupo—Ateneo para sa Bugsuk, Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu), Philippines ICCA Consortium, Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, at ang Coalition of Municipal Fisherfolks Association.

Humihiling ang Pakisama at Sambilog sa kagyat na pagpapalaya kay Pelayo at pagbabasura ng kasong illegal fishing. Ipinanawagan din nila ang pagpapanumbalik ng 2014 Notice of Coverage (NOC) para sa 10,821 ektaryang lupa, pagpapabilis sa proseso ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), at agarang pag-pullout ng mga armadong guwardiya mula sa komunidad.
Tags: Illegal fishing
Share20Tweet12
ADVERTISEMENT
Previous Post

Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”

Next Post

Mga residente ng sitio marihangin, 49 araw nang nagbabantay kontra armadong guwardiya

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials
Provincial News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum
Provincial News

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya
Agriculture

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

October 7, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

PCG, rescue teams, hindi pa rin makadikit sa MV June Aster dahil sa usok na lumalabas dito at maging ang malakas na hangin sa lugar

September 10, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations

September 10, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration
Feature

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Next Post
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”

Mga residente ng sitio marihangin, 49 araw nang nagbabantay kontra armadong guwardiya

Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”

Bfar research vessel binangga, binomba ng water cannon ng ccg sa gitna ng scientific mission sa pag-asa cays

Latest News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15296 shares
    Share 6118 Tweet 3824
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11848 shares
    Share 4739 Tweet 2962
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10333 shares
    Share 4133 Tweet 2583
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10306 shares
    Share 4122 Tweet 2577
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9767 shares
    Share 3906 Tweet 2442
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us