Inaresto ng mga awtoridad si Jann Lawrence Camonias Daliva sa ikinasang operayson nitong Huwebes ng umaga sa Brgy. Riotuba, Bataraza, Palawan.
Base sa spot report na ibinahagi ng Provincial Police Office (PPO), ikinasa ang operasyon ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inihain ni Hon. Judge Gemalyn Faunillo-Tarol nooong September 23, 2020.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (a) ng RA 9262 o Violence Against Women & their children Act. Nasa kustodiya naman ito ng Bataraza MPS habang hinihintay na iharap sa korte.
Discussion about this post