ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Politics

Dating Atleta, papasukin ang mundo ng politika upang magserbisyo sa Palaweño at maisulong ang sports development sa lalawigan

PDNstaff by PDNstaff
October 7, 2024
in Politics
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Dating Atleta, papasukin ang mundo ng politika upang magserbisyo sa Palaweño at maisulong ang sports development sa lalawigan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Simula bata pa lang ay kilala na bilang isang mahusay na atleta sa iba’t ibang larangan ng sports sa lalawigan ng Palawan at naging laman ng balita dahil sa pagbitbit ng bandera ng Pilipinas patungo sa South East Asia na kompetisyon.

Si Christian Albert Sabando Miguel, mas kilala bilang “Crite,” ay ang pinakabatang tatakbo mula sa Koalisyong Samahang Lakas ng Sambayanang Palawenyo (LSP) na pinamumunuan ng Gobernador ng Palawan na si Gov. Victorino Dennis M. Socrates.

RelatedPosts

Tingnan: Narito ang mga pangunahing kandidato para sa lokal na posisyon sa palawan sa darating na halalan sa mayo 2025

San Vicente elected officials take oath;

1-Care party list, tututukan ang sektor ng enerhiya sa Palawan

Nakilala si Crite dahil sa kaniyang tagumpay sa larangan ng sports kung saan siya ay nagkamit ng iba’t ibang parangal sa lokal at internasyonal na antas ng kompetisyon. Kabilang dito ang pagsali niya sa UST Tiger Swimming Team noong 2009 hanggang 2010, kung saan siya ay napabilang sa ilang mahahalagang kompetisyon sa bansa.

Dagdag pa, naging laman din ng balita ang pagrepresenta ni Crite sa isang pandaigdigang kompetisyon sa bansang Brunei kung saan siya ay nakapag-uwi ng Bronze medal. Sa kabila ng mga nakamit ay pinili pa rin ni Crite na magserbisyo sa lalawigan ng Palawan.

Ano nga aba ang nagtulak sa kaniya na tumakbo bilang Board Member sa unang distrito ng Palawan?

Ayon kay Crite, ang kanyang pagnanais na pumasok sa politika ay nag-ugat mula sa kanyang pagmamalasakit sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.

“Naniniwala ako na marami na akong pwedeng iambag sa Palawan at handa na po akong magserbisyo para sa Palaweño,” saad niya.

Isa sa kanyang mga hinawakang programa ng Pamahalaan ay ang SPS Governor’s Cup na isang sports development program na nagbibigay sa mga kabataan ng pagkakataong mag-explore ng iba’t ibang sports at mapaunlad ang kanilang talento. Naging Program Head din si Crite ng SPS Caravan na layong tulongan ang mamamayang Palaweño sa pamamagitan nang paghahatid ng serbisyong medikal at dental, suporta sa agrikultura, trabaho, at kabuhayan sa ating komunidad.

Ang kanyang pagnanais na tumakbo bilang Board Member ay nagdulot ng malaking interes at suporta mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at kilalang mga pangalan sa mundo ng politika sa Palawan. Maraming tagasuporta at mga lider ng komunidad ang nagsabi na ang kanyang background bilang isang atleta ay nagbigay sa kanya ng natatanging pananaw at determinasyon na kailangan sa pamumuno.

Sa huli, hindi makakaila na marami nang tumatakbo sa politika na mas bata pa at pinatunayan na ang kanilang galing na maglingkod at magserbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.
Share58Tweet36
ADVERTISEMENT
Previous Post

Ika-4 na multilateral maritime exercise sa West Philippine Sea, pinalakas ang kooperasyon ng Pilipinas at mga kaalyadong Bansa

Next Post

Dalawang lalaki, nagsuntukan sa plaza ng Narra, Palawan dahil sa hindi pagbabayad ng pustahan sa basketball sa Palay Festival

PDNstaff

PDNstaff

Related Posts

Tingnan: Narito ang mga pangunahing kandidato para sa lokal na posisyon sa palawan sa darating na halalan sa mayo 2025
Politics

Tingnan: Narito ang mga pangunahing kandidato para sa lokal na posisyon sa palawan sa darating na halalan sa mayo 2025

January 6, 2025
San Vicente elected officials take oath;
Politics

San Vicente elected officials take oath;

July 1, 2022
1-Care party list, tututukan ang sektor ng enerhiya sa Palawan
Election

1-Care party list, tututukan ang sektor ng enerhiya sa Palawan

April 19, 2022
Former Governor Joel T. Reyes, dumating sa lalawigan ngayong araw
News

Former Governor Joel T. Reyes, dumating sa lalawigan ngayong araw

April 3, 2022
Ex-NPA members’ partylist “Abante Sambayanan” vows to institutionalize NTF-ELCAC
Election

Ex-NPA members’ partylist “Abante Sambayanan” vows to institutionalize NTF-ELCAC

March 26, 2022
Maayos na halalan, hiling ni Maristela
Government

Maayos na halalan, hiling ni Maristela

March 25, 2022
Next Post
Isa, sugatan nang bumangga ang PNP patrol car sa 2 motorsiklo

Dalawang lalaki, nagsuntukan sa plaza ng Narra, Palawan dahil sa hindi pagbabayad ng pustahan sa basketball sa Palay Festival

Babaeng turista sa El Nido, Palawan, agad na-evacuate dahil sa sugat sa paa

Babaeng turista sa El Nido, Palawan, agad na-evacuate dahil sa sugat sa paa

Discussion about this post

Latest News

Strip the money and see who still files candidacy

Squatters in the boy’s club

March 13, 2026
PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

March 13, 2026
Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 12, 2026
Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

March 10, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15245 shares
    Share 6098 Tweet 3811
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11695 shares
    Share 4678 Tweet 2924
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10300 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10029 shares
    Share 4012 Tweet 2507
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9738 shares
    Share 3895 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us