Opisyal nang nangampanya ang grupo ni Mayoral Candidate Atty. Jimbo Maristela ngayong araw, March 25, 2022. Nagsimula ang grupo ni Maristela sa banal na misa sa Our Lady of Immaculate Conception Cathedral.
Sa panayam ng news team kay Maristela, maayos at mapayapang halalan ang ninanais ni Mayoral Candidate Atty. Jimbo Maristela sa lungsod ng Puerto Princesa.
“Talagang tayo ay nagpapasalamat na tayo ay nagsimula na ng ating kampanya sa pamamagitan ng isang banal na misa at ito po ay magbibigay sa atin ng karagdagang lakas yung paghingi ng tulong sa ating Panginoon at ako po ay labis din nagpapasalamat sa aming mga supporters na nandirito ngayon na sinamahan kami sa pag celebrate ng banal na misa at sasama sa amin sa motorcade at hinihiling po natin na magkaroon po tayo ng maayos at mapayapang halalan dito sa lungsod ng Puerto Princesa,” ani Maristela.
Dagdag pa ni Maristela, ng tinanong kung ano ang kanyang mensahe sa mga katungali nito at mga dahilan kung bakit umano siya tumakbo. “Ay wala naman po problema, ito po ay parte ng isang demokrasya na kung saan ang ating mga kababayan ay muling pagbibigyan ng pagkakataon na maka pamili kung sino ang mamuno na maging Mayor ng Puerto Princesa.”
“Sapagkat gusto po natin bigyan ng alternatibo at bagong pag-asa ang ating mga kababayan na gusto narin ng pagbabago na alam naman natin na siyam na taon na rin at tatlong termino na rin ang kasalukuyan Mayor ng Puerto Princesa, naghahanap naman ang ating mga kababayan ng pagbabago ng panibagong mamumuno sa kanila,” ani Maristela
Mensahe naman ni Maristela sa mga botante ng lungsod:
“Sana po sa ating mga kababayan ako po si Atty. Jimbo Maristela kumakandidato bilang Mayor ay kumakatok sa inyong mga puso na sana po bigyan niyo po ako ng pagkakataon na makapag lingkod sa inyo at mamuno sa lungsod ng Puerto Princesa, para sa ating mga kababayan.”
Discussion about this post