ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

2 purok ng Brgy. Tumarbong sa Bayan ng Roxas, isasailalim sa lockdown simula mamayang hatinggabi

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
August 12, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
2 purok ng Brgy. Tumarbong sa Bayan ng Roxas, isasailalim sa lockdown simula mamayang hatinggabi
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kinumpirma ng kapitan ng Brgy. Tumarbong na isasailalim sa local lockdown ang dalawa sa anim nilang purok matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa dati nilang LSI.

Ayon kay Kapt. Dante P. delos Reyes, ang nasabing mga lugar na isasailalim sa lockdown simula mamayang hatinggabi ay ang Purok 1 at Purok 4 na parehong nasa mainland Tumarbong.

RelatedPosts

PCG, rescue teams, hindi pa rin makadikit sa MV June Aster dahil sa usok na lumalabas dito at maging ang malakas na hangin sa lugar

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

Aniya, ang nagpositibong indibidwal ay isang lalaking dating Locally Stranded Individual (LSI) na dumating sa Lalawigan ng Palawan noong unang linggo ng Hulyo at sumailalim sa quarantine sa Medicare Hospital ng Bayan ng Roxas at nakalabas naman sa pasilidad noong Hulyo 24.

Ayon naman kay Roxas Municipal Health Officer, Dr. Leo Salvino, negatibo sa nakahahawang sakit ang naturang indibidwal base sa isinagawa nilang initial test noong siya ay nasa pasilidad pa lamang.

“One month na siya mahigit sa Tumarbong, five weeks na actually, bago nag-develop ng symptoms…. Lumuwas siya, [at] doon na [nalamang positibo siya sa COVID-19 pagdating sa] Maynila,” ani Dr. Salvino.

Matapos mabatid ng mga kinauukulan ang nasabing impormasyon ay agad silang nagsagawa ng contact tracing at pagsasailalim sa rapid test sa mga taong naka-direct contact ng nasabing dating LSI. Sa paunang datus, sa mahigit 20 katao na nasailalim sa Rapid Test ay nagpositibo umano ang dalawang anak ng pasyente, ang nakalaro niya sa basketbol at ang dalawa pa, bagamat dadalhin pa sa  ONP ang nakuhang specimen sa kanila  upang makumpirma.

Napasama ang Purok 1 sa localized lockdown  dahil doon ang bahay ng nasabing LSI at ang Purok 4 naman dahil nabisita rin niya ang kanyang mga biyenan doon at nakainuman ang bilas.

Ngunit nilinaw ng mga kinauukulaan na hindi rin buong purok ang isasara. Sa Purok 1, ang kasama lamang ay ilang kabahayan at sa basketball court habang sa Purok 4 ay ang daan patungong simbahan at ang mga kabahayang malapit dito at ang mga kabahayan ng kanyang mga kamag-anak.

Sa gitna ng hamon, tiniyak ng pamunuan ng barangay na bibigyan ng ayuda ang mga apektadong pamilya gaya ng bigas, vitamis at iba pang pangangailangan.

Nakatakda na ring i-regulate ang paglabag at pagpasok ng mga tao sa Brgy. Tumarbong bilang bahagi ng pag-iingat, bagamat dalawang purok lamang ang pansamantalang isasara.

Susundin din ng barangay ang curfew hour ng munisipyo na mula 8 pm hanggang 5 am kaysa sa barangay ordinance na 9 pm- 5am.

TAGAL NG LOCKDOWN

Inaasahang tatagal ng isang linggo ang  lockdown, base sa paunang pag-uusap ng barangay, MHO at ng iba pang miyembro ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF).

“Kung walang mag-positive doon sa swab, siguro baka hanggang doon lang. Hanggang ngayon kasi, kino-contact trace pa namin,” ang pahayag ni Kapt. Delos Reyes.

CONTRACT TRACING

Sa nagdaang mga contact tracing ay nasa 40 na umano ang nasa kanilang listahan ngunit kalahati pa lamang ang na-rapid test. Inaasahang aakyat pa umano ang nasabing bilang sa pagpapatuloy na pagsasagawa nito sa kada purok ng binuong contact tracing team ng lokal na pamahalaan.

Kahapon ay isinailalim na rin sa swab test ang mga anak ng LSI na naunang nagpositibo sa rapid test, kasama ang kanyang kabiyak bagamat negatibo rito; at ang dalawa pang indibidwal habang may naka-iskedyul na rin umano para sa araw ng bukas.

Ngayong araw  naman ay inilipat na sa barangay quarantine facility ang huling dalawang indibidwal na nagpositibo sa rapid test dahil sa pahirapan umano sa mga tauhan ng barangay ang layo ng kanilang mga tinitirhan.

Kaugnay nito ay hiniling  ni Kapt. de los Reyes sa kanyang mga nasasakupan ang kanilang kooperasyon sa mga ipinatutupad na hakbang na bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19.

“Ang kalaban natin ay hindi natin nakikita, kaya kanya-kanyang ingat na lang sa mga sarili natin at sumunod tayo sa mga protocol at kautusan ng gobyerno—walang lalabag kung anuman po ang mga ipinatutupad na batas, kailangan nating sundin para lahat tayo ay makaiiwas  sa COVID-19 na ito,” aniya.

Tags: Brgy. TumarbongCOVID-19 ConfirmedRoxas Palawan Lockdown
Share779Tweet487
ADVERTISEMENT
Previous Post

New plant discovered in Port Barton

Next Post

City ENRO orders inventory of ‘baklad’ in Honda Bay

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

PCG, rescue teams, hindi pa rin makadikit sa MV June Aster dahil sa usok na lumalabas dito at maging ang malakas na hangin sa lugar

September 10, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations

September 10, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration
Feature

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Palawan legislature pushes building of cell towers in Buliluyan and Balabac island barangays
Defense

Malaysia eyes stronger Sabah defenses as Balabac gains military role

August 26, 2026
Palawan honors disaster response partners during resilience month culmination
Provincial News

Palawan honors disaster response partners during resilience month culmination

August 1, 2026
Healthcare reaches one of Palawan’s most remote island towns
Provincial News

Healthcare reaches one of Palawan’s most remote island towns

August 1, 2026
Next Post
City ENRO orders inventory of ‘baklad’ in Honda Bay

City ENRO orders inventory of ‘baklad’ in Honda Bay

Barangay kagawad sa Culion, biktima ng direct assault at tangkang pagpatay habang ginagampanan ang tungkulin

Barangay kagawad sa Culion, biktima ng direct assault at tangkang pagpatay habang ginagampanan ang tungkulin

Discussion about this post

Latest News

GCash: The “Pambansang IPO” That Gives  Filipinos a Chance to Own a Piece of the Digital Economy

Mga Gcash user, posibleng maging shareholder

October 1, 2026
551 students in Bataraza receive September educational allowances

551 students in Bataraza receive September educational allowances

October 1, 2026
New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

New culvert bridge improves access in Bataraza barangay

September 23, 2026
Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

Mynt Inc., nakakuha ng PSE approval para sa hiling na IPO nito

September 23, 2026
Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

Analysts back strong valuation for GCash parent Mynt ahead of historic IPO

September 16, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15289 shares
    Share 6116 Tweet 3822
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11832 shares
    Share 4733 Tweet 2958
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10305 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10294 shares
    Share 4118 Tweet 2574
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9765 shares
    Share 3906 Tweet 2441
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us