Nagpasa ng resolusyon si 2nd District Board Member Ryan Maminta na nahihingi ng helicopter para sa Palawan Provincial Police Office mula sa bagong itinalagang hepe ng National Police na si Lieutenant General Rodolfo Azurin Jr., maging kay PNP Mimaropa Regional Director BGen. Sidney Hernia.
Kailangan umano ang isang helicopter para magamit sa mabilisang pagtugon sa ano mang kaganapan na nangangailangan ng agarang atensyon.
Ayon kay BM Maminta, maaaring magamit ito ng Provincial Command para sa paghahatid ng enforcement activities, at maipalaganap ang kanilang mandato at upang mapalawig pa ang peace and order sa lalawigan ng Palawan.
“Nakikita natin sa lawak ng lalawigan ng Palawan napakahirap abutin ng ating Provincial Commander at yung mga issue nang enforcement ay medyo mayroon balakid yung lawak ng lalawigan pagdating dito,” aniya.
“Makakatulong po kung mayroon tayong sariling helicopter na [pupwedeng] i-operate ng Provincial Command para doon sa pagpapalaganap ng kanilang mandato, at higit sa lahat for the law enforcement purposes ng ating Provincial Command ng PNP,” paliwanag ni BM Maminta.
Aniya, ayon sa kanilang pag-uusap ni Police Colonel Adonis De Guzman at sa Provincial Director ng Palawan Provincial Police Office, ay pumapayag naman daw ito na magkaroon ng helicopter ang Provincial PNP, at naniniwala rin si Maminta na makakatulong ito sa mga kapulisan ang air asset dahil maipaparating na ng mga ito ang kanilang malawakang enforcement activities hanggang sa dulo ng lalawigan.
“Malaking tulong sa kanila yung helicopter kasi meron silang sea asset, land asset, ang wala lang sa kanila ang air asset so isa o dalawa with do good sa atin at malaking tulong sa atin yun kapag ka meron silang kailangan gawin to keep peace and order sa atin sa lalawigan ng Palawan,” saad ni Maminta.
Samantala, hindi rin magiging problema ang paglalagyan ng helicopter dahil meron namang pasilidad na pwedeng ilaan para dito.
Discussion about this post