Tatlong panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala noong, July 19, sa bayan ng Sofronio Española ayon kay Dr. Rhodora Tingson, Municipal Health Officer ng nabanggit na munisipyo.
Ayon kay Tingson, ang tatlong panibagong kaso ay pare-parehong LSI na dumating sa lalawigan kamakailan lamang.
Dinetalye ni Tingson na ang una at pangalawang pasyente ay dumating sa lalawigan noong July 12.
Sinabi rin nito na ang unang kaso ay isang lalaki na 31 anyos at ang pangalawa ay isang batang babae, edad 5 anyos, at kapamilya rin ng unang pasyente, ayon kay Tingson.
“Bale ‘yung case 7 at 8 natin, July 12, last Sunday sila dumating sakay ng 2go,” ani Tingson.
“Nagkaroon sila ng mild symptoms nolng July 16 kaya sinailalim natin sa swab testing agad,” dagdag niya.
Samantala, ang pangatlong kaso naman ay isang babaeng edad 25 anyos na dumating naman sa lalawigan noong July 1.
“July 1 siya actually dumating sa Palawan tapos nakauwi siya dito samin July 2 na. Bale nitong July 16 is 14th day of quarantine na niya, sinailalim natin sa rapid testing. Asymptomatic naman siya pero dahil nga nag-positive siya sa rapid, sinailalim din natin sa swab at doon nag-positive pa rin siya, ” ani Tingson.
Ayon kay Tingson, sa kasalukuyan ay nasa kanya-kanyang quarantine facility na ang mga pasyente. Binalita rin nito na pawang
“Naka facility quarantine pa rin mula naman noong dumating sila naka facility quarantine na sila. Tapos since nag-positive itong naunang dalawa, kinabukasan, nag-resolve naman agad ‘yung symptoms,” ani Tingson.
Sa kabuohan, siyam na ang naitalang kaso sa bayan ng Sofronio Española, anim sa mga ito ay tuloyan nang gumaling.
Ang bagong tatlong kasong naitala ngayong araw ang siyang tanging ” active cases” ng bayan ng Espanola sa kasalukuyan.
Discussion about this post