Lima katao ang hinuli ng pulisya sa Bayan ng Sofronio Española matapos naaktuhang ilegal na nagsusugal.
Ang mga nahuling violator ay sina Gerardo Morata Coritao, 54, may asawa, market vendor; Charlie Sagucom Gullos, 35, single, magsasaka; Edmon Regodon Eranista, 73, may asawa, magsasaka at Emilio Magdaug Lopez Jr., 40, may asawa, pawang mga residente ng Brgy. Pulot Center, Sofronio Española at Mohamaron Arquero Babodyong, 43, may asawa, magsasaka at residente naman ng Brgy. Iraray, Sofronio Espanola, Palawan.
Sa spot report mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), nakasaad na dakong 5:25 pm kahapon, October 1, 2020
nang magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang mga tauhan ng Sofronio Espanola MPS sa Brgy. Pulot Center na nagresulta sa pagkakadakip sa nabanggit na mga indibidwal habang naglalaro ng mah-jong.
Nakumpiska mula sa kanila ang 144 pirasong tiles ng mah-jong, dalawang pirasong dice ng mah-jong dice; at apat na P100 at apat na P20 o may kabuuang P480 cash.
Habang sinusulat naman ang balitang ito ay inihahain na ng PNP sa Brooke’s Point Municipal Trial Court ang kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) na inamiyendahan ng RA 9287 laban sa nabanggit na mga naarestong indibidwal.
Discussion about this post