Lubhang pinaghandaan ng kapitolyo ng Palawan ang nalalapit na pagdiriwang ng Baragatan Festival ngayong Hunyo, ayon kay Palawan Governor Jose Chavez Alvarez.
“Baragatan will start, the official would be on 23-30, but first week pa lang andito na ang mga bisita,” ani Alvarez.
Dagdag niya, tinatapos na rin sa ngayon ang renovation at konstraksyon ng bagong event center sa pamahalaang panlalawigan na inaasahang nasa 2,500 na mga bisita ang kayang pagkasyahin.
“We have a new event center sa likod ng capitol at tinatapos na rin ang capitol sa ngayon para maiwanan natin ang kapitolyo na maraming pera at napakaganda. The event center would seat 2,500 people, enough for the whole province, mga taga-barangay na pupunta,” ani Alvarez.
Matapos ang tatlong taon ng hindi pagdaos ng pinaka-inaabangang Baragatan Festival tuwing Hunyo, ayon kay Alvarez ay naglaan ng nasa mahigit 20 milyong piso ang pamahalaang panlalawigan para sa pagdiriwang nito ngayong taon.
“Kasi tatlong taon tayong walang baragatan dahil sa pandemic. So ito ang culmination we would spend more than twenty million pesos,” ani Alvarez.
Kinumpirma din ni Alvarez na mayroong street dance, beauty pageants at mga artistang panauhin na maasahan ang mga kababayan sa darating na selebrasyon.
“Of course, may beauty pageant, street dancing, celebrities, lahat para mapaligaya natin ang ating mga kababayan at guests mula sa mga barangay,” ani Alvarez.
Magaganap rin ang final accomplishment report o valedictory ni Alvarez sa Hunyo 3 ngayong taon, ayon sa kanya.
“My final valedictory will be done there, on June 30,” ani Alvarez.
Discussion about this post