Nagpahayag ng pagkadismaya si sitwasyon ng peace and order sa lalawigan ng Palawan si 2nd District Board Member Ryan Maminta, kaugnay umano sa ilang mga pagpatay sa lalawigan partikular na tinukoy nito ang nangyari kay Kapitan Roderick Aperocho ng Barangay Poblacion, Narra, Palawan.
“Nagkataon lamang na parang sabay-sabay, talagang malimit at higit sa lahat wala tayong naririnig [na)]nahuhuli, na pro-prosecute, nasasakdal dito sa mga bagay na ito so nakakalungkot,” ani Maminta.
Ayon pa kay Maminta, sa hanay ng Sangguniang Panlalawigan nais nilang maka-usap ang mga hepe ng PNP sa mga munisipyo at maging ang Provincial Police Director upang malaman ang sitwasyon ng peace and order sa lalawigan.
“Gusto natin magkaroon ng pagkakataon na makapanayam [ang] ating mga kasama sa hanay ng kapulisan partikular yung ating mga namumuno sa Philippine National Police Provincial office ganun din sa ating mga namumuno sa mga munisipyo upang mapag-alaman natin kung ano na ba talaga estado ng kapayapaan at kaayusan dito sa ating lalawigan,” pahayag ni Maminta
Samantala layunin umano ng pagpapatawag sa Committee Meeting ng mga nasa hanay ng PNP ay upang mapag-usapan ang mga updates sa mga ginagawang imbestigasyon at kung paano makakatulong ang Sangguniang Panlalawigan para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.
“Isa sa pangunahing magagawa natin ay magkaroon ng mga pag-uusap upang matugunan mga problemang ito dito sa ating lalawigan. Kung mamarapatin ay maging bahagi tayo ng pagbibigay ng hustisya doon sa mga nagkaroon ng hindi magandang karanasan base doon pagkuha ng buhay sa pamamagitan ng dahas,” karagdagang pahayag ni Maminta.
Discussion about this post