Ibinahagi ni Jomel Ordas, tagapagsalita ng Provincial COMELEC, ang mga aktibidad sa isasagawang plebisito para sa pagtatatag ng tatlong probinsya ng Palawan na gaganapin sa March 13, 2021.
“Base doon sa calendar of activities natin, mag-iistart yung plebiscite period natin [ng] February 11 hanggang March 20…Pero sa February 11, yan din ‘yung deadline natin para sa constitution ng mga plebiscite committees, municipal board canvassers at posting ng list of voters…February 11 hanggang March 11 naman’ yan ‘yung campaign period tapos March 13 yung plebiscite date,” ani Ordas.
Binanggit din ni Ordas ang mga mahigpit na ipinagbabawal o hindi dapat gawin ng ilang opisyal ng gobyerno sa panahon ng plebisito.
“Mga ban dyan na ating pinapatupad ay yung appointment ban…ibig sabihin niyan ay ‘yung sa civil service bawal yung pag-a-appoint ng mga bagong employee o pagcreate ng mga bagong posisyon, pagbibigay ng salary increases, paglilipat ng mga empleyado sa civil service, ipinagbabawal maging [ang] pagsu-suspend ng mga local elected officials mula provincial hanggang barangay, pinagbabawal diyan [ang] pagdadala ng baril [gun ban], ipinapatupad din natin yung construction ban tapos yung pagrerelease nung public funds sa kabuuan ng plebiscite period, February 11 hanggang March 20,”pahayag ni Ordas.
Ipinaliwag din nito ang proseso sa pagkuha ng mga resulta ng boto mula sa presinto na pinagdausan ng pagboto hanggang sa pagdeklara ng nanalo sa plebisito.
“Yung plebiscite committees sa isang presinto ihahatid yung plebiscite returns doon sa Municipal Board [of] Canvassers [o MBOC]. At ang MBOC, naman pagpatak ng 6:00 ng hapon, [ay] magcoconvene at magsisimula na sila magreceive ng mga plebiscite return at gagawin nila ‘yun sa bawat dating ng mga plebiscite returns. Pupuwede nilang ipunin muna [at] parami-ramihin tapos bago i-canvas hanggang sa maubos ang buong munisipyo at i-consolidate nila’ yun. Pagtapos niyan ay gagawa naman sila ng statement of votes at plebiscite returns…[at] ihahatid nila sa provincial board of canvassers tapos ganun din yung proseso na gagawin ng provincial board of canvassers hanggang maubos ang 23 municipalities. At kapag natapos na ang canvassing ay icoconsolidate at itatally din lahat ng boto. Doon na malalaman kung nanalo ay yung yes or no,” dagdag na pahayag ni Ordas.
Discussion about this post