Isang dalagita mula sa Barangay Abaroan sa bayan ng Roxas ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos matuklaw ng ahas kamakailan. Ayon sa kanyang mga kaanak, nagsimula ito sa simpleng pamamaga ngunit lumala ang kanyang kalagayan at nangangailangan na siya ngayon ng agarang gamutan sa ospital sa Puerto Princesa.
Kinilala ang biktima bilang si Shela Mae Aliño Villanueva. Sa kakulangan ng kakayahang pinansyal, humihingi ngayon ng tulong ang kanyang pamilya upang maipagamot siya at mabigyan ng tamang lunas laban sa kamandag ng ahas.
Maaaring magpaabot ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng GCash sa mga sumusunod na numero:
* 0991 313 3506 – sa pangalan ni Shela Mae Aliño Villanueva
Nananawagan ang pamilya ng suporta at dasal mula sa mga may mabubuting loob habang patuloy na nakikipaglaban sa sulitanin si Shela Mae.