ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Health

Pinakabatang kaso ng hiv sa bansa, isang 12-anyos mula palawan- doh

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
June 4, 2025
in Health
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Pinakabatang kaso ng hiv sa bansa, isang 12-anyos mula palawan- doh
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Isang 12-anyos na bata mula sa Palawan ang naitala bilang pinakabatang kumpirmadong kaso ng HIV sa Pilipinas ngayong taon ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sa ginawang report ng ahensiya noong Martes, Hunyo 3, umabot na sa 6,703 ang mga bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Abril 2025. Ibig sabihin, may average na 56 bagong impeksiyon kada araw—mas mataas kumpara sa 48 noong nakaraang taon, at halos triple na mula sa 21 kada araw noong 2014. Sa kabuuan, nasa 150,433 na ang kumpirmadong may HIV sa bansa.

RelatedPosts

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

City trains more staff in basic life support

Palawan Provincial Government at Drugman Drughouse, lumagda sa isang kasunduan nang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan

“Ang malaking problema po natin ay hindi monkeypox kundi ang paglaganap ng HIV,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, na iginiit na mas dapat pagtuunan ng pansin ang HIV kumpara sa iba pang sakit na kasalukuyang sinusubaybayan.

Base sa datos ng DOH, 80% ng lahat ng kumpirmadong kaso ay edad 35 pababa. Sa bilang na ito, kalahati ay nasa pagitan ng edad 25 hanggang 34, habang halos 30% ay mula 15 hanggang 24 taong gulang.

Lumalabas sa tala na simula pa noong 2006, unti-unti nang bumaba ang edad ng mga tinatamaan ng HIV. Mula sa mga kaso ng mga nasa edad 35–49, ang pinakatinatamaan na ngayon ay kabataang nasa 25–34 taong gulang. Ang paglantad ng kaso ng isang 12-anyos sa Palawan ay malinaw na babala na lalong bumababa ang edad ng mga nagkakaroon ng impeksiyon.

Sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso, iminungkahi ni Secretary Herbosa ang pagdedeklara ng isang pambansang public health emergency.

“Ang maganda [ay] magkaroon tayo ng public health emergency, national emergency for HIV dahil magtutulong-tulong ang buong lipunan. A whole-of-society and whole-of-government [approach] can help us in this campaign na mapababa ang new cases of HIV,” aniya.

Sa ilalim ng Konstitusyon, tanging ang Pangulo lamang ang maaaring magdeklara ng national public health emergency.

Bagama’t may mga kaso pa ring may kinalaman sa paggamit ng karayom, nananatiling pangunahing sanhi ng HIV ang sexual contact. Ayon sa DOH, 83% ng mga bagong kaso ay mula sa male-to-male sexual contact, kasunod ang mga lalaking nakikipagtalik sa parehong lalaki at babae. Noong bago mag-2007, mas marami ang kaso ng male-to-female transmission.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso, iginiit ni Herbosa na hindi na dapat katumbas ng kamatayan ang pagkakaroon ng HIV, lalo’t may lunas itong maaaring makapagpababa ng virus sa katawan sa antas na hindi na ito makahawa.

Bukod sa antiretroviral therapy (ART), na libre at sakop ng PhilHealth, may mga gamot na rin para sa pre-exposure prophylaxis (PrEP) at post-exposure prophylaxis (PEP) para sa mga taong posibleng nalantad o nasa panganib.

“Mayroon na pong self-testing kits sa Pilipinas. Pero kailangang palaganapin pa ito. Kasabay niyan, kailangang labanan ang stigma—lalo na sa usapin ng same-sex intercourse,” dagdag pa ni Herbosa. Ayon sa kanya, may mga libreng confirmatory test at treatment sa mga DOH-accredited treatment hubs na ngayon ay umaabot na sa 299 sa buong bansa.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Albert Domingo, aktibo si Herbosa sa international engagements bilang miyembro ng UNAIDS Board upang makahingi ng suporta’t resources para sa stigma-free HIV care—mula screening hanggang treatment.
Tags: hiv
Share25Tweet16
ADVERTISEMENT
Previous Post

Column: get tested. Don’t die quitely.

Next Post

Dalagita sa roxas, kritikal matapos matuklaw ng ahas; pamilya nanawagan ng tulong pinansyal

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

City, PMHA establish mental health and wellness clinic
City News

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

April 24, 2026
City trains more staff in basic life support
City News

City trains more staff in basic life support

April 23, 2026
Palawan Provincial Government at Drugman Drughouse, lumagda sa isang kasunduan nang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan
Government

Palawan Provincial Government at Drugman Drughouse, lumagda sa isang kasunduan nang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan

March 30, 2026
Palawan nears a malaria milestone, but a stubbornly urban dengue outbreak claims the young
Health

Palawan nears a malaria milestone, but a stubbornly urban dengue outbreak claims the young

March 24, 2026
DOH urges for intensified border surveillance vs Nipah virus
Health

DOH urges for intensified border surveillance vs Nipah virus

February 11, 2026
Kaso ng dengue sa Palawan, bumaba
City News

Health authorities urge travelers for malaria checks

October 13, 2025
Next Post
Dalagita sa roxas, kritikal matapos matuklaw ng ahas; pamilya nanawagan ng tulong pinansyal

Dalagita sa roxas, kritikal matapos matuklaw ng ahas; pamilya nanawagan ng tulong pinansyal

Mahigit 300 volunteers, nakiisa sa coastal at underwater clean-up sa el nido

Mahigit 300 volunteers, nakiisa sa coastal at underwater clean-up sa el nido

Latest News

Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

June 3, 2026
SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

June 2, 2026
Congress pushes for strengthening energy and supply security

Congress pushes for strengthening energy and supply security

May 18, 2026
City eyes digital payout for allowances

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15266 shares
    Share 6106 Tweet 3817
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11724 shares
    Share 4690 Tweet 2931
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10145 shares
    Share 4058 Tweet 2536
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9751 shares
    Share 3900 Tweet 2438
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us