Dalawa ang nasawi sa bangaan ng motorsiklo at tricycle 11:00 PM November 8, sa National Highway of Macadam Road, Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Ayon sa Pulisya, minamaneho ng 13-anyos ang motorsiklo habang driver naman ng tricycle si Dionisio B. Paz, 54 anyos.
Lumalabas sa imbestigasyon na mabilis ang pagmamaneho ng 13-anyos at wala rin ilaw ang motor nito dahilan upang bumangga sa kasalubong nitong tricycle.
Agad na isinugod sa pagamutan ang driver ng motor at angkas nito kasama ang tricycle driver ngunit dead on arrival na ang menor.
Samantala ganap na 4:25 PM November 9 ay binawian narin ng buhay ang tricycle driver.
Nasa kostudiya naman ng Bataraza PNP ang mga sasakyan para sa karagdagang pang imbestigasyon.
Discussion about this post