Unang binawian ng buhay ang driver ng Toyota Vios na si Nestor Adoris Jr, 45 anyos at driver ng Smart/BM Five Company na residente ng Brgy. Iwahig. Kasunod nito ay ang kanyang sakay na si Kevin Nambatac, 21, matapos na mabangga ng Toyota Innova na minamaneho ni Jaymark Lim, 38 anyos, area manager ng isang pawnshop sa Lungsod at residente ng Malvar St. Brgy. Mandaragat.
Samantala patuloy na ino-obserbahan sa pagamutan ang kasama ng dalawang nasawi na si Jaycarl Roebel Nillas, 24, habang sa Toyota Innova sina Charlene Macado, 25 anyos, at Patrick Manlavi, 26.
Nasa kostudiya na ng PNP ang suspek na sasampahan ng kasong double homicide, serious physical injury at damage to property.
Matatandaan kamakailan kung saan naganap din sa lugar ang trahedya ng banggaan na ikinasawi ng isang pamilya.
Discussion about this post