EKSLUSIBO: Magkalaguyong pulis nahuli sa akto ni misis, arestado

0
20080
Photo courtesy of lehmiller.com
- Advertisement -

Last Updated on

Pawang hubo’t hubad ang magkalaguyong pulis nang sila ay nahuli ng misis na isa ring pulis kahapon ng gabi, July 19, ayon sa spot report ng Lucena City Police Station.

Ang lalaking pulis ay nakadestino sa Bataraza Municipal Police Station, Palawan at ang babaeng kalaguyo nito na pamilyado din ay nakadestino naman sa Puerto Princesa City Police Office.

Pawang nagsasanay ang dalawa ng Public Safety Junior Leadership Course sa Lucena.

Dagdag sa report ng mga otoridad, mga 11:35 ng gabi nang pumunta sa istasyon ng pulisya ang asawa na taga-Brooke’s Point, Palawan at nakadestino rin sa nasabing bayan bilang isang pulis.

Kinumpirma ng asawa na mga bandang 10:35 ng gabi na pinuntahan niya diumano ang tinutuluyan ng babaeng kalaguyo ng mister nito at nakita niya sa bintana na kasama nito ang kaniyang asawang lalaki.

Hindi na rin kinompronta ng asawang babae ang dalawa at agad siyang pumunta sa istasyon ng pulisya para i-report ang kaniyang nakita.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad kasama ang mga imbestigador ng Women and Children Protection Desk (WCPD), LC97 mobile crew at SWAT. Nadatnan nilang hubo’t hubad parehas ang nasabing magkalaguyong pulis at sa pagakakataong ‘yun inaresto ang dalawa.

Nakakulong ang dalawa at nahaharap ng kasong adultery o concubinage at violation ng RA 9262 o Psychological Abuse.

Sa kadahilanang sensitibo ang balita, minarapat nalang ng Palawan Daily News na itago ang mga pangalan ng mga nasasangkot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here