ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Government

Ika-apat na SGLG award pormal nang iginawad sa Narra

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
November 5, 2019
in Government, Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Ika-apat na SGLG award pormal nang iginawad sa Narra
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Pormal nang iginawad sa Narra ang ika-apat nitong Seal of Good Local Governance (SGLG) award sa isang seremonyang inihanda sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Manila Hotel, Nobyembre 4.

Ang awarding ceremony ay dinaluhan ng mga konsehal ng Narra at ni Vice Mayor Crispin O. Lumba. Dumalo din si former Narra mayor Lucena Demaala.

RelatedPosts

Feature: In the quiet of Rizal, A voice grew loud

Palawan State University turns 60, honors its roots and reimagines its future

Palawan’s Young Architects break into the National scene with grit,grit, and more grit

Maitatalang ang SGLG award na ito ay ikaapat nang parangal na natanggap ng Narra mula sa DILG kaakibat sa pamumumo at termino ng nagdaang alkaldeng si Demaala.

Sa panayam ng Palawan Daily News kay Demaala kanina, nilinaw nito na siya ay dumalo mula sa imbitasyon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Narra.

“Yes, I was invited by the legislative council,” ani ni Demaala.

Nilinaw din ni Demaala na si Vice Mayor Crispin Lumba kasama si SB Member Janet Nabua ang pormal na tumanggap ng award sa ginawang seremonya kanina.

“Nag-attend lang kami dito. Basta ang tumanggap ng award ay si Vice Mayor at si Kagawad Janet,” ani ni Demaala.

Ang Narra ay ang nag-iisang munispyo sa buong Palawan na nakatanggap ngayong taon ng prestihiyosong parangal mula sa DILG ngayong taon.

Matatandaang noong taong 2016 ay nakatanggap rin ng SGLG award ang Brooke’s Point kasabay ng Narra at noong taong 2017 ay nakatanggap rin ang munisipyo ng Sofroñio Española ng naturang parangal.

Ito na ang naitalang ikaapat na SGLG ng bayan ng Narra, isang patunay na ang local government unit (LGU) ay nakapasa sa ikaapat na beses, sa ginawang deliberasyon ng DILG sa pitong “core areas,” kaloob ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Tourism, Culture and Arts, Business Friendliness, at Environmental Management.

Maliban sa parangal, makaka-tanggap din ng tinatayang P2.3-milyon ang munisipyo ng Narra upang magamit sa mga ilalahad at kasalukuyang proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay former mayor Demaala, noong nakaraang taon, nakatanggap ng P3.2-milyon ang LGU ng Narra mula sa DILG na kanilang ginamit sa mga proyektong pang-agrikultura kasama na ang pagpapatayo ng mga bilaran ng palay sa bawat barangay.

“Ang nilagay nating mga project noon ay bilaran ng mga palay sa bawat barangay kasi kulang ‘yung mga bilaran noon. Bawat barangay naman sa Narra ay may covered court kasi ‘yung mga binibilaran ng tao eh ‘yung mga plaza, kaya ang ginawa namin noon ay para sa mga purok at farmers association, nilalagyan natin,” ani Demaala.

“Kasi tayo ang rice granary of Palawan kaya doon ang focus ko,” dagdag ni Demaala.

Samantala, mayroon namang iilang residente ng Narra na nakapansin sa hindi pagdalo ni Narra Mayor Gerandy Danao sa awarding ceremony kanina.

“Nagtataka kami wala si Mayor Danao sa post ng Sangguniang Bayan kanina, may issue ba?” tanong ni alyas “Rey” na hiniling na itago ang kanyang pagkaka-kilanlan.

Tinungo ng Palawan Daily News ang opisina ni incumbent Narra Mayor upang kunan ng pahayag ang nasabing opsiyal na agad namang sumagot sa tanong ng kababayan.

“Hayaan mo sila. Hindi ako interesado,” giit ni Danao.

Tags: crispin lumbaDILGgerandy danaolucena demaalaNarranarra palawanpalawanSeal of Good Local Governance
Share74Tweet46
Previous Post

Subaraw Biodiversity Festival now a national event

Next Post

Puerto Princesa, magpapadala ng tulong sa Mindanao

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo
Feature

Feature: In the quiet of Rizal, A voice grew loud

June 21, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo
Provincial News

Palawan State University turns 60, honors its roots and reimagines its future

June 20, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo
Provincial News

Palawan’s Young Architects break into the National scene with grit,grit, and more grit

June 20, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo
Provincial News

Palawan honors Top Municipal Assessors, Treasurers, Taxpayers, and Public Servants at Governor’s awards night

Bataraza National Highschool Wins 2025 Henyong Palaweño Quiz Bee
Provincial News

NCMF holds legal education for Muslim sectors

June 19, 2025
Next Post

Puerto Princesa, magpapadala ng tulong sa Mindanao

Puerto Princesa, magpapadala ng tulong sa Mindanao

Discussion about this post

Latest News

Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo

34 nawawalang Sabungero noong 2021-2022, pinatay at tinapon umano sa Taal Lake

June 21, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo

Feature: In the quiet of Rizal, A voice grew loud

June 21, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo

Palawan State University turns 60, honors its roots and reimagines its future

June 20, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo

Palawan’s Young Architects break into the National scene with grit,grit, and more grit

June 20, 2025
Palawan’s Indigenous peoples take center stage at Gabi Y’Ang koltorang Palawenyo

Palawan honors Top Municipal Assessors, Treasurers, Taxpayers, and Public Servants at Governor’s awards night

June 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14983 shares
    Share 5993 Tweet 3746
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11186 shares
    Share 4474 Tweet 2797
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10262 shares
    Share 4105 Tweet 2566
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9641 shares
    Share 3856 Tweet 2410
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8924 shares
    Share 3570 Tweet 2231
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us