Ipinaliwanag ng pamunuan ng Iwahig Prison and Penal Farm o IPPF ang pagpapatupad nila ng mas mahigpit na quarantine sa loob ng pasilidad.
Ayon kay Levi Evangelista, tagapagsalita ng IPPF, ang pag-lockdown ay prerogrative ng pamunuan ng kolonya at hindi umano required ang kautusan mula sa Inter-Agency Task Force.
“Yung pagla-lockdown na sinasabi ito po ay prerogrative immediate action done by the administration but it is not required for implementation neither kautusan mula sa IATF yun po ang gusto ko liwanagin,” ani Evangelista.
Dagdag pa ni Evangelista, bagama’t sakop ito ng lungsod pero ito umano ay isang prison reservation na kung saan ay may ipinapatupad na sariling kautusan.
“When we say lockdown ito po ay lokal na AITF yung grupo po nila Dr. Palanca ang nagbibigay po at nag-iissue nito sa isang lugar-ito pong paglo-lockdown na sinasabi natin ay prerogrative and imidaite action our superentendent at sence ito po ay reservation, meaning do we are nasasakupan ng lungsod ng Puerto Princesa still it’s preson reservation meaning we have po our own rules,” dagdag pahayag ni Evangelista.
Paliwanag pa ng opisyal, hindi umano sila ni-lockdown ng lokal na IATF kaya binago nila ang terminolohiya na Home Quarantine o naka-quarantine silang lahat sa loob ng dalawang linggo upang sa ganun ay maiwasan umano ang kanilang paglabas at pakikipagsalamuha sa lungsod.
Samantala ang nagpositibo umano na kawani ng IPPF ay naka-leave ng mag-positibo ito sa COVID-19 at hindi nagkaroon ng pagkakataon na maglibot o makipagsalamuha sa mga kapwa empleyado at mga PDL o Person Deprive of Liberty.
Discussion about this post