Isinusulong ngayon ang recall petition dahil diumano sa kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa ilang namumuno sa bayan ng Narra. Ito ang pagtitiyak ni Jojo Gastanes, tagapagsalita ni suspended Narra Mayor Gerandy Danao sa panayam ng Programang News Room ng Palawan Daily.
Ayon kay Gastanes, naniniwala ang mga sumusulong ng recall petition na ginulo ng ilang opisyal sa Narra, Palawan ang sistema ng panunungkulan sa pamamagitan ng pagkaso sa nanalong alkalde ng bayan kaya ito nasuspindi.
“Ang dahilan number 1 wala ng tiwala sa kanila ang taong bayan dahil ‘yung ginawa nila na nasa pandemic na si Mayor Danao nakikita na nag-perform, tumutulong sa trabaho ay kinasuhan nila ‘yun ang naging cause bakit natanggal si Mayor Danao, so sa tingin ng taong bayan hinalal si Mayor Danao pati sila para magtrabaho-ginulo nila ang sistema ng nangyayari sa munisipyo dahil doon nawalan ng tiwala ang taong bayan kaya under section 69 local government code ‘yun ang ini-initiate nila ngayon loss of confidence,” Ani Gastanes.
Dagdag pa ni Gastanes, kailangan lamang ng limang libong pirma sa pag file ng recall petition at 25% naman sa kabuuang registered voters ang kailangang pirma.
“Sa petition at least you need 25% signature of total registered voters, initial ang pag file mo na 5,000 signatures but during verification kinakailangan umabot ka sa 25%, so that is 44,000 something registered voters of Narra will be count on 8,000 to 9,000 signatures,” paliwanag ni Gastanes
Nanindigan din si Gastanes na karapatan ito ng taong bayan base sa saligang batas.
“Yan naman ay hindi puwede balewalain ng COMELEC kasi constitutional rights ‘yan ng taong bayan-may ruling na ang supreme court jan na hindi puwedeng sabihin ng COMELEC na wala silang budget-kasi ‘yan ay karapatan ng mamamayan sa ilalim ng Saligang batas,”
Kabilang umano sa gustong palitan sa pamamagitan ng recall petition ay si Acting Mayor Crispin Lumba Jr na nanalo bilang bise alkalde at 7 pang mga Sangguniang Bayan Member ng Narra, Palawan.
Discussion about this post