Kulong ang bagsak ng isang lalaki na umanoy sangkot sa ilegal na droga matapos mahuli ito sa ginawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Model, Barangay Sagpangan, Aborlan, Palawan moong pasado 12PM kahapon, Hunyo 5.
Ang suspek ay kinilalang si Arnulfo Tango Tegas, kilala bilang “Lolong Tigas,” lalaki, 53-anyos, may-asawa, at residente ng Sitio Model, Barangay Sagpangan, Aborlan, Palawan.
Sanib-puwersa sa isinagawang operasyon ang Aborlan MPS kasama ang PDEU at may koordinasyon ng PDEA matapos makabili ang poseur-buyer ng isang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride (shabu). Narekober mula sa suspek ang mga sumusunod:
1. Isang (1) pirasong heat sealed transparent plastic sachet (binili) na naglalaman ng puting kristal na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride (shabu)
2. Isang (1) pirasong One Thousand Peso Bill (Php 1000.00)
3. Isang (1) pirasong Five Hundred Peso Bill (Php 500.00)
4. Isang (1) pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride (shabu)
5. Isang (1) pack ng sigarilyong Winston na naglalaman ng anim (6) na piraso ng aluminium foil
6. Isang (1) pirasong blue na lighter
7. Isang (1) Pirasong Identification Card ni Arnulfo Tango Tegas
Bukod dito, ang tinatayang bigat ng mga kumpiskadong droga kasama ang nabiling item ay MOL 0.09 gramo na tinatayang may halagang humigit-kumulang na tatlong libong piso (Php 3,000.00).
Discussion about this post