Isa na namang shooting incident ang naganap sa sur ng Palawan na ikinasawi ng isa sa dalawang biktima.
Kinilala ang mga biktima na sina Bryan Butron, 27, binata, project engineer, residente ng Brgy. Alfonso XIII, Quezon at Tata Depedro, 30, time keeper ng water system, at residente naman ng Brgy. Sowangan sa nabanggit ding munisipyo habang ang bumaril ay hindi pa rin nakikilala.
Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 5 pm kahapon, habang sakay ang nabanggit na mga biktima sa isang Honda XRM 125 motorcycle at patungo sa town proper ng Bayan ng Quezon, Palawan nang pagdating umano nila sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa Sitio Candis, Brgy. Sowangan, ay pinagbabaril sila ng suspek o mga suspek ng di pa batid na kalibre ng baril.
Dahil dito, tinamaan ng bala sa likod si Depedro na dahilan ng kanyang pagkasawi habang sa kaliwang kamay naman si Butron at agad ding dinala sa Narra Municipal Hospital.
Discussion about this post