Ang Tropical Depression Chedeng ay humihina na at nagiging isang Low Pressure Area (LPA) na lang nitong umaga, matapos mag-landfall sa Davao Occidental nitong Martes ng umaga.
Ang LPA ay nagdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Mindanao. Ayon kay Sonny Pajarilla, officer-in-charge ng PAGASA-Palawan weather station na ang LPA ay inaasahang makarating sa Palawan ngayong Miyerkules at magdudulot ng pag-ulan sa Puerto Princesa at sa buong probinsya ng Palawan, lalo na sa timog Palawan.
“Maaring tatawid sa atin bilang LPA. Magdadala ito ng pag-ulan especially in southern Palawan,” sabi ni Pajarilla.
Nitong nakaraang mga linggo ay hindi nakakaranas ng pag-ulan ang Puerto Princesa at ang malaking bahagi ng Palawan dahil sa tagtuyot.
Dahil dito ay naranasan na ang kakulangan sa supply ng tubig at ang Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ay nag-deklara na ng Water Crisis Alert Level 2 dahil sa pababa water level dahil sa ilang linggo na walang ulan.
Ayon sa PPCWD, kung magpapatuloy na walang ulan ay maaring mag deklara ng Water Crisis Alert Level 3 na magkakaroon ng water rationing dahil sa kakulangan ng tubig.
Discussion about this post