Na-rescue ng 2nd Special Operation Unit Maritime Group-Taytay at Philippine Coast Guard ang isang mangingisda na nagpalutang-lutang sa three nautical miles northeast ng Apulit Island sa bayan ng Taytay.
Ayon sa mangingisda na si Isidro Fenida, 69 anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Taytay, umalis siya sa pantalan ng kanilang bayan noong November 26 ganap na 3:00 PM upang mangisda ng hampasin siya ng malalaking alon o buhawi dahilan upang tumaob ang kanyang bangka. Halos 17 oras siyang nagpalutang -utang sa dagat hanggat sa mayroon isang mangingisda ang napadaan at tumulong sa kanya.
Ligtas na itong nakauwi sa kanilang pamilya habang pinuntahan naman ng 2nd SOU-MG Taytay at PCG ang area upang maahon sa dagat ang bangka.
Discussion about this post