Arestado ng awtoridad ang wanted person sa Sitio Decala, Barangay Caruray, San Vicente, Palawan ganap na 8:00 PM, Oktobre 31, 2021:
Kinilala ang suspek na si JUAN MAGBANUA LUMIBAO, 41 anyos, may-asawa, mangingisda,at residente sa nasabing lugar.
Ang lalaki hinuli ng pinagsanib pwersa ng San Vicente MPS, 2nd PPMFC at PHPT- Palawan matapos na maglabas ng warrant of arrest si Judge EMMANUEL Q ARTAZO ng Branch 14 Family Court of Taytay, Palawan nitong Oktubre 15 sa kasong paglabag sa RA 7610 at attempted murder.
Kinakailangan naman makapaglaan ng pyansa sa kaso sa halagang P80,000 at P120,000 ang suspek para sa pansamantalang kalayaan nito mula sa piitan ng San Vicente MPS.
Discussion about this post