Narekober sa Sitio Iraan, Brgy. Magara, Roxas, Palawan nitong Abril 22, ang mataas na kalibre ng baril at bala na umano’y pag-aari ng Communist Terrorist Group sa ginawang intensified focus military operations.
Sa pinagsanib pwersa ng Task Force Peacock sa pangunguna ni Brigadier General Jimmy D. Larida Philippine Navy (Marine), Joint Task Group-North/Marine Battalion Landing Team-3 at Joint Intelligence Task Units-North.
Batay sa impormasyon ng dating meyembro ng Militia nang bayan, agad na pinuntahan ang lugar sa pangunguna ni Major Ryan F. Lacuesta Philippine Navy (Marine).Narekober sa lugar ang isang unit ng M16 Rifle (Bushmaster), at 5 long magazine, (83) rounds of 5.56mm ammunition.
Nagpapasalamat naman si Brigadier General Larida, sa komunidad, at kawani ng Provincial Task Force ELCAC sa patuloy na suporta sa kanila sa Armed Forces of the Philippines, para sa tagumpay at kapayapaan sa lalawigan ng Palawan.
“The recovery of this war materiel coincides with our heightened security preparations to support the PNP and COMELEC in the forthcoming national and local election next month,” ani Larida.
Discussion about this post