Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa Occidental Mindoro Police na kinilalang si Alias “Ka Talahib”, 37 anyos, residente ng Sitio Calachuchi, Barangay Alibog, San Jose, Occidental Mindoro, noong Pebrero 8 ganap na 11:00 ng umaga.
Si Ka Talahib ay aktibong miyembro ng CTG (CPP/NPA) sa ilalim ng Kilusang Larangang Girelya MAV, Sub-Regional Military Area-4D, Southern Tagalog Regional Party Committee. Sumuko ito sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence Unit at kabilang ang Occidental Mindoro Police Provincial Office (OccMin PPO), PNP SAF, 4th Infantry Battalion ng 23rd Brigade, Philippine Army, bitbit ang isang caliber 38 at ammunition na isinuko sa awtoridad.
Nasa kustodiya na ng Camp Winston S Ebersole ang CTG. Sa kabuuan, mayroon ng 298 na sumukong miyembro ng CTG sa pamahalaan.
Discussion about this post