Makaraan ang halos 15 taong pagtatago sa batas, bandang 11 am kahapon ay tuluyan nang napasakamay ng mga awtoridad ang most wanted person sa Bayan ng Culion.
Kinilala ang suspek na si Mario Igbal Abaca Jr., 31 taong gulang, binata, magsasaka at residente ng Sitio Calatay, Brgy. Luac, Culion, Palawan.
Base sa spot report ng PPO, dinakip ang nasabing indibidwal dahil sa kasong panggagahasa na kung saan, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.
Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa nabanggit ding lugar ng mga tauhan ng Culion MPS sa pangunguna ni Acting Chief of Police, PCapt. Dhenies Salazar Acosta, bilang lead unit, kasama ang mga personnel ng PIU-Palawan PPO sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Nelia Yap Fernandez RTC Branch 50-Puerto Princesa City noon pang August 1, 2005.
Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Culion MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper disposition.
Discussion about this post